Balita

Andrea Bocelli, 1st time nakipag-duet sa anak

-

NEW YORK (AP) — Nakipag-duet na ang Italian star tenor na si Andrea Bocelli sa kapwa niya A-list music artists, tulad nina Luciano Pavarotti, Placido Domingo, at Ed Sheeran sa buong panahon ng kanyang career, pero ang pag-awit kasama ang anak niyang si Matteo Bocelli ay lubhang extra special para

sa kanya.

“I hope it is a beautiful and enjoyable moment for anyone who listens to it,” sinabi ni Andrea sa isang panayam noong nakaraang linggo.

Kabilang ang Fall on Me sa bagong album na Si ng maestro, na ini-release noong nakaraang linggo. Ang awitin, na tungkol sa espesyal na ugnayan ng magulang sa kanyang anak, ay mapapaking­gan din sa bagong Disney film na The Nutcracker and the Four Realms, na pinagbibid­ahan nina Keira Knightley, Morgan

Freeman, Mackenzie Foy, at Helen Mirren. Nagbukas na ito sa mga sinehan sa Amerika kahapon.

Maraming beses nang magkasaman­g umawit sina Andrea, 60, at Matteo, 21, sa loob ng kanilang bahay, kaya naman hindi na sila nanibago sa recording, ayon sa maestro. Nagpapadal­ubhasa sa musika si Matteo, at interesado­ng mag-experiment sa opera, pop, at kumbinasyo­n ng mga ito—dalawang genre kung saan naging matagumpay ang kanyang ama.

“Matteo needs to finish his studies to be a serious singer. When you go to the doctor or to see a lawyer, you expect to find a serious profession­al. The same goes for singers,” sabi ni Andrea. “But Matteo has shown he has a gift. He has something you don’t learn.”

“I know that to make my dream come true I have to study a lot,” pagsang-ayon naman ni Matteo sa ama.

Nakabenta na si Andrea, isang bulag, ng 85 milyong album sa mundo, at nagtanghal na para sa mga Santo Papa at sa mga presidente ng iba’t ibang bansa, at maging sa malalaking events na tulad ng Olympics at World Cup.

Ang Si, ang unang album ng maestro na may bagong material sa nakalipas na 14 na taon at ini-record sa kanyang bahay sa Italy, ay nagtatampo­k sa mga duet niya sa pop singer na si Josh Groban, sa rising British performer na si Dua Lipa, at sa Russian soprano na si

Aida Garifullin­a. Nakapaloob din sa album ang bagong awitin nila ni Ed Sheeran—ang ikalawang collaborat­ion nila.

“This album was born over time. I was looking for songs that are up to (the) expectatio­ns, that are beautiful, and, well, it wasn’t easy to find them,” sabi ni Andrea. “I hope 14 years have been enough (time).”

Aminadong hanggang ngayon ay inaatake pa rin ng stage fright, kasalukuya­ng nasa tour si Andrea kasama si Matteo. Magtatangh­al sila ng dalawang awitin sa Madison Square Garden sa New York sa Disyembre.

 ??  ?? Andrea at Matteo
Andrea at Matteo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines