Balita

Ika-78 labas

- R.V. VILLANUEVA

SAKAY na sa sasakyan ni Fermin ang mahiwaga at kay gandang babae. Saglit na tumingin si Fermin sa bahay nila. Baka nasisilip sila ni Nena, lagot sila.

Naipagpasa­lamat niyang sarado ang bahay nila kahit tapos na ang ulan. Gayunman, may ilaw sa loob ng bahay. Kung magbubukas lang ng bintana si Nena, tiyak na makikita sila.

Binuhay ni Fermin ang makina ng sasakyan niya. Maingat ang pagarangka­da niya dahil sa inaakala niyang bigat ng hahatakin niyang sasakyan. Gayun na lang ang gulat niya. Magaan ang hinahatak niya. Para lang siyang humahatak ng tricycle. “Saan tayo?” tanong ni Fermin. “Side lang,” sabi ng babae. “Diretso lang. Sasabihin ko sa’yo kung saan.”

Umisod sa gawi niya ang babae. Dumikit. Gayong mga braso lamang muna ang nakadikit, pakiwari ni Fermin, buong katawan na ng babae ang nakadikit sa kanya. Aaa, kay lambot ng pakiramdam niya sa katawan ng babae!

Bigla, nag-init ang pakiramdam ni Fermin. Bigla, kumulo yata ang kanyang dugo. Ang ganoong pakiramdam ay nangyayari lamang sa kanya kung nagla-love making sila ni Nena. A, nakakabali­w talaga ang babae ito!

“Fermin,” sabi ng babae. “Itabi mo na lang?”

“Bakit?”

“Narito na kasi tayo sa amin. Di ba sabi ko, malapit lang naman an amin.”

“Pero hindi man lang yata tayo nakalayo sa gate namin…”

Hindi pa rin makapaniwa­la si Fermin.

“Anong hindi?” tumawa nang mahinhn si Nenamia. “Tagal na nating tumatakbo. Baka kung anong iniisip mo.”

Ang nasa isip niyang hindi niya sinabi: Pinag-init mo kasi nang sobra ang katawan ko.

“Basta itabi mo lang ang sasakyan,” sabi ni Nenamia. Na ginawa niya.

Ang hindi niya inakala ay ang sumunod na ginawa ni Nenamia. Bigla, yumakap ito sa kanya. Mahigpit.

Tinugon niya ang yakap. At kay bilis ng tugon niya. Naramdaman na lang niya, naninikip ang kanyang pantalon. Ay may nagwawala! Aaa, ibig yata umiyak.

Bigla, nasa bibig na niya ang bibig ni Nenamia. Kay sarap, parang sariwang bulaklak ang bibig nito.

Pero para siyang napaso. Bakit biglang nag-init ang bibig nito? Parang pinigang siling labuyo! Sa kabila ng pambihiran­g init, gayon man, hindi niya maalis ang parang nakadikit na bibig nito sa bibig niya.

Bumuka ang bibig ni Nenamia. Nangapitba­hay ang parang kay habang dila nito. Nabuksan din ang bibig niya. Aaa, para siyang nalulunod sa isang kamatayang kay sarap sa pakiramdam!

“Fermin, tama na!” bahagya siyang tinutulak ni Nenamia.

“Mia…Mia!” hindi niya gustong malayo sa kanya ang katawan ni Nenamia.

Paulit-ulit lang niyang natawag ang pangalan ng babae bagamat ang talagang ibig niyang sabihin: Huwag mo akong ibitin! Bayaan mo akong mamatay

sa ligaya!

“Please, Fermin…tama na muna!”Nagawa ring maitulak ni Nenamia ang katawan niyang ayaw niyang malayo pa ito. At kay lakas ni Nenamia. Saan kaya kumukuha ng lakas ang babaeng ito? “

Pasalamat lang muna ito, Fermin.”

“Hindi ko gustong magkalayo pa tayo, Mia!”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines