Balita

Soriano at Tan, kampeon sa BVR Lio leg

-

NAGBALIK ang reyna ng beach volleyball at siniguro ni Charo Soriano na magiiwan ng marka sa Beach Volleyball Republic On Tour.

Kasangga ang matibay ding si Bea Tan, nakopo ng kanilang tambalan ang women's crown, habang nagwagi sina KR Guzman at Ian Yee sa men's division kamakailan sa Lio Beach sa El Nido, Palawan.

Kinatawan ang Seda Hotels, ginapi nina Soriano at Tan ang tambalan nina Dzi Gervacio at Roma Doromal ng Perlas, 21-16, 21-19, sa championsh­ip match at makumpleto ang 6-0 winning run sa two-day spikefest.

Nanaig naman ang University of Santo Tomas alums na sina Guzman at Yee kontra kina DAF-ARMM Hach Gilbuena at Edmar Flores, 2115, 21-17 para makopo ang korona.

Ito ang unang titulo ni Soriano sa liga na huling naglaro noong Hunyo sa Sta. Ana Open.

Winalis nila ang apat na laro sa pool match tungo sa sumunod na stage ng laro.

Naging doble naman ang selebrasyo­n kay Guzman matapos makasapasa ang dating UAAP champion sa electronic­s engineer licensure examinatio­ns nitong Biyernes.

Nakamit ni Guzman ang unang BVR title mula nang magwagi ng

back-to-back kasama si Krung Arbasto sa Cabugao, Ilocos Sur at Dagupan leg.

Sa semifinals, ginapi nina Soriano at Tan sina Lio Crusaders' Sydney Eleazar at Paulina Ong, 21-10, 21-7, habang nakamit nina Gervacio at Doromal sina Balai Adlao's Gizelle Tan at Ria Lo, 21-10, 21-5.

Tinanggap ng women's at men's champions ang tig-P50,000 cash prize.

 ?? BVR PHOTO ?? MULING nagtagumpa­y si Charo Soriano (kaliwa), sa pagkakatao­ng ito sa pakikipagt­ambalan kay Bea Tan sa katatapos na Beach Volleyball Republic El Nido championsh­ip.
BVR PHOTO MULING nagtagumpa­y si Charo Soriano (kaliwa), sa pagkakatao­ng ito sa pakikipagt­ambalan kay Bea Tan sa katatapos na Beach Volleyball Republic El Nido championsh­ip.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines