Balita

Racasa at Sinangote, wagi sa Angeles chessfest

-

MALAKAS na sinimulan Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe "Tonelle" Murillo Racasa ang kampanya para maiwui ang korona sa kiddies category habang nagpakitan­g gilas si National Master Julius “Ashitaba Boy” Sinangote dahil sa mas mataas na tiebreak points kontra kay Ricardo Batcho para maibulsa ang Open division title sa katatapos na 2018 Mayor's Cup Chess Tournament sa Robinsons Place Balibago Angeles City, Pampanga.

Ang 11-anyos Grade 5 pupil ng Home School Global at pambato ng Mandaluyon­g City ay nagwagi sa apat na nalalabing laro para tumapos ng 6.5 puntos kasama na ang pagtarak ng malaking tagumpay kontra kay dating solo leader Franchesca Largo na nanatili naman sa anim na puntos, ang iskor din na naitala nina April Joy Claros at Christian Erickson Costuna.

Kabilang sa mga dinaig ni Racasa ay sina Marcus Chamael Paruli sa first round, Irish Chinamling sa second round, Oshrie James Reyes sa fourth round,Julio Sante David sa fifth round, MIke Emmanuel Mendoza sa sixth round bago talunin si Franchesca Largo sa seventh ay final round. Nakipaghat­ian siya ng puntos kay Alfred Miranda Jr. sa third round.

Sa panig naman ni Sinangote na suportado ni Lead Broker Mark Anthony Yabut, nakipaghat­ian siya ng puntos kay Batcho sa final canto para mapuwersa twoway tie sa first place na may tig 6.5 puntos sa Open division na suportado ng local government ng Angeles City, Pampanga sa gabay ni Mayor Edgardo D. Pamintuan at ng Angeles City Sports Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines