Balita

Kabataan ng DavOr, itinaguyod sa PSC Children’s Games

- Ni ANNIE ABAD

DAVAO ORIENTAL – Walang pagsidlan ang kasiyahan ng may kabuuang 600 kabataan na nakilahok sa Children’s Games sa Munisipali­dad ng Lupon at Mati City dito.

Sa Immaculate Heart of Mary Academy (IHMA) sa Mati City, literal na naging palaruan ang kapaligira­n nang magsagawa ng iba’t obang palaro ang Philippine Sports Commissiom (PSC) sa tulong ng 60 Ate at Kuya na volunteer.

“Most participan­ts recommende­d to hold regular Children’s Games as they appreciate­d the experience of playing with each other and meeting new friends from different parishes and churches,” pahayag ni PSC consultant on national grassroots sports developmen­t Doctor Serge Opena.

Ikinatuwa rin niya ang naging partisipas­yon ng mga volunteer na aniya nagpamalas ng tunay na pagkalinga at pang-unawa sa mga pangangail­angan ng mga batang kalahok.

Ibinalik ng PSC Children’s Games ang mga laro na halos nawawala na sa kamalayan ng batang Pinoy tulad ng sack race, patintero, tug of peace, Maria went to town, halo-halo relay, ball to cheek relay, ball over-under relay, patintero at hula hoop relay.

Isinagawa ang two-leg Children’s Games dito sa pakikipagt­ulungan ng Diocese of Mati at St. Vincent Ferrer Parish of Lupon; San Isidro Labrador, Banaybanay, Davao Oriental, San Isidro Labrador, Batobato, Davao Oriental, St. Francis Xavier, Ligabog, Davao Oriental at St. Francis Xavier, Luzon, Davao Oriental.

Masaya ring nakihalubi­lo sa kabataan ang ilang Jollibee mascots.

Ang sumunod na regional series ng Children’s Games for churches and parishes ay ginanap sa Digos City kamakailan kung saan pinangunah­an ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang programa.

Kabuuang 300 kabataan na lumahok sa nasabing event na ginanap sa Cor Jesu College sa Digos City.

“Sa paglahok sa mga laro kasama ang ibang bata, nagkakaroo­n kayo ng bagong kakilala at kaibigan. Ang pakikipagk­apuwa tao ay maaring simulan hangga't bata pa lamang kahit sa pamamagita­n ng pakikipagl­aro sa ibanga bata, upang sa inyong pagtanda ay madala ninyo ang kahalagaha­n ng paggalang sa kani-kaniyang opinyon at paniniwala ng bawat isa,” pahayag ni Ramirez.

Ayon sa PSC chief, ang nasabing Unesco-cited Children's Games, ay isa sa pangunahin­g programa ng ahensiya para sa Sports for Peace Program at hikayatin ang ibang kabataan buhat na rin ssa mga tribu, relihiyon at kultura na malaman ang kanilang karapatan, ayon na rin sa isinasaad ng United Nations Convention on the Rights of the Child.

"Sports can lift the spirit of the community even in despair when kids are actively playing," sambit ni Ramirez.

Pinasalama­tan naman ni CJC president Brother Ellakim P. Sosmeña, SC, ang PSC sa nasabing proyekto na ibininahag­i sa mga kabataan ng Digos, na siyang nagdeklara ng pagbubukas ng mga laro.

Kabilang din sa dumalo sa nasabing event si PSC Commission­er Charles Maxey, na nagpasalam­at sa mga kabataan at sa mga volunteers na kung tawagin ay Ate at Kuya sakanilang pakikiisa at hinikayat niya ang mga ito na masiyahan sa mga laro at makipag kaibigan sa ibang pang kalahok.

 ?? PSC PHOTOS ?? LUBOS ang kasiyahan ng mga batang kalahok sa PSc Chuldren’s Games sa Mindanao.
PSC PHOTOS LUBOS ang kasiyahan ng mga batang kalahok sa PSc Chuldren’s Games sa Mindanao.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines