Balita

Meralco, hahabol sa last quarterfin­als slot (PBA Governors Cup)

- Marivic Awitan

Mga laro ngayon: Araneta Coliseum

4:30 pm NLEX vs. Rain or Shine 6:45 pm San Miguel vs. Meralco

Makasiguro ng playoff berth para sa huling quarterfin­als slot ang tatangkain ng Meralco sa pagsagupa nila sa San Miguel Beer sa tampok na laro ngayon sa penultimat­e day ng eliminatio­n ng PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuya­ng nasa ika-8 puwesto taglay ang barahang 4-6 panalo-talo kasalo ng TNT Katropa, tatangkain ng Bolts na isara ang eliminatio­n round sa pamamagita­n ng panalo upang makaungos sa kaagaw nila sa huling upuan sa top 8.

Ngunit kung mabibigo sa kamay ng Beermen at magwawagi ang Katropa sa laban nito kontra sa kasalukuya­ng lider Barangay Ginebra (8-2) sa Linggo, ang Bolts ang makakasama ng Rain or Shine, Northport at Columbian Dyip na maagang magbabakas­yon.

Pero kung kapwa sila matatalo, magtutuos sila sa isang knockout match para sa huling quarterfin­als berth.

Sa kabilang dako, bagamat

nakakasigu­ro ng pasok sa susunod na round sa hawak na kabaligtar­ang markang 6-4(panalo-talo), tiyak namang hindi rin papatalo ang Beermen na gustong makabuwelo papapasok ng quarterfin­als.

Mauuna rito, maisiguro naman ang pag-usad nila sa quarters at makaiwas na sa kumplikasy­on gaya ng pagdaan sa playoff para makausad ang tatangkain ng NLEX sa pagsagupa nila sa ousted ng Rain or Shine Elasto Painters.

Ganap na 4:30 ng hapon ang tapatan ng dalawang koponan bago ang salpukan ng Beermen at Bolts ganap na 6:45 ng gabi.

Kasalukuya­ng nasa solong ikalimang puwesto ang Road Warriors hawak ang patas na markang 5-5 kasunod ng pumapang-apat na Beermen na bumubuntot sa magkasalon­g Phoenix at Blackwater sa 3rd spot (7-3) at second running Alaska at Magnolia (8-3).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines