Balita

Palasyo sa traders: ‘Wag kayong manuhol!

- Genalyn D. Kabiling

Sa gitna ng pinaigting na crackdown laban sa kurapsiyon sa Bureau of Customs (BoC), binalaan ng Malacañang ang mga negosyante laban sa panunuhol kapalit ng mabilis na pagpoprose­so ng kanilang mga kargamento.

Pinaalalah­anan ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo ang mga negosyante na sumunod sa rules at regulation­s ng Customs, kung ayaw ng mga ito na maharap sa asunto.

“Ang paalala lang natin, kung ano ‘yong batas sundin na lang natin. Huwag kayong magtangka na magsuhol dahil siguradong sa kulungan ang inyong dating,” sinabi ni Panelo sa isang panayam sa radyo.

Kamakailan, ipinatupad ni Pangulong Duterte ang malawakang balasahan sa BoC upang masugpo ang kurapsiyon at drug smuggling, kasabay ng pagtatalag­a kay dating Armed Forces of the Philippine­s (AFP) chief retired Gen. Rey Leonardo Guerrero, bilang kapalit ni Isidro Lapeña, na namumuno na ngayon sa Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA).

Matatandaa­ng itinalaga ng Presidente ang mga taga-AFP upang pansamanta­lang pangasiwaa­n ang Customs matapos na ilagay sa floating status ang lahat ng tauhan ng kawanihan.

Ayon kay Panelo, iniutos ng Pangulo sa bagong BoC na tuldukan ang kurapsiyon sa kawanihan, at palakihin ang koleksiyon.

“Basta ‘yong kaniyang dating patakaran na walang palakasan. So, dapat sundin mo lahat ng patakaran sa batas,” aniya.

“Tapos ‘yong koleksiyon mo, ‘yong target mo, makuha mo, dahil ‘yon ang kanyang ine-expect kay BoC Commission­er Guerrero,” dagdag pa ni Panelo.

“Ang narinig kong sinabi ng Presidente kay BoC Commission­er, gawin niya ang lahat ng magagawa niya; and siya naman known for his strictness, ‘yong reputasyon niya, honest. So sabi niya, gawin mo ang lahat para mag-retire ka diyan nang walang bahid iyong record sa military,” sabi pa ni Panelo.

 ?? MANNY LLANES ?? KAYA MO ‘YAN! Bago kumuha ng Bar Exam ay nagyakap muna ang bar examinee at kanyang kasamahan na naghatid sa kanya sa University of Sto. Tomas, sa España, Manila, kahapon.
MANNY LLANES KAYA MO ‘YAN! Bago kumuha ng Bar Exam ay nagyakap muna ang bar examinee at kanyang kasamahan na naghatid sa kanya sa University of Sto. Tomas, sa España, Manila, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines