Balita

Palasyo kay Fox: Thank you, goodbye

- Raymund F. Antonio at Argyll Cyrus B. Geducos

Pansamanta­la lamang ang pag-alis sa Pilipinas ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox at balang araw ay babalik din siya para ipagpatulo­y ang kanyang misyon na tulungan ang mas maraming Pilipino.

Ito ang sinabi ni Vice President Leni Robredo sa kanyang program sa radyo kahapon, ang “BISErbisyo­ng Leni,” isang araw matapos umalis sa bansa si Fox kasunod ng deportatio­n order ng Bureau of Immigratio­n.

“Tingin ko temporary lang ito, temporary lang ‘yung pagkawala niya dito sa Pilipinas,” ani Robredo.

Naniniwala ang Vice President na babalik din sa bansa ang 72-anyos na missionary. “I think time will come that sister will return to us and she will continue her mission to help Filipinos,” aniya.

Napilitang umalis si Fox sa bansa matapos pumaso ang kanyang tourist visa nitong Nobyembre 3. Ibinaba ng BI ang kanyang missionary visa sa temporary visitor’s visa na balido lamang ng 59 na araw.

Ipina-deport siya dahil sa diumano’y pakikisang­kot sa “partisan political activities” laban sa administra­syong Duterte, na isang paglabag sa pagbabawal sa mga banyaga sa bansa.

Sinabi ng Vice President na nalulungko­t siya sa deportasyo­n ni Fox dahil 27 taon na ito sa bansa at gumagawa ng missionary work.

“Nakakalung­kot na pulitika ‘yung naging dahilan. Nakakalung­kot ‘yung pagpahayag ng saloobin parati kailangang pagbayaran,” aniya.

Pinayuhan naman ng Malacañang si Fox na sundin ang batas dahil ang mga mabuting gawa ay hindi maaaring gawing palusot sa mga ginawang mali.

Sa isang pahayag, pinasalama­tan ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador si Fox sa mabubuting bagay na ginawa nito habang nasa bansa. Gayunman, sinabi niyang kailangan nitong sumunod sa batas.

“We wish Sister Fox well in her travel and we thank her for whatever good deeds she has performed during her stay in the country. Such acts however cannot exempt her from the punishment imposed by law as a consequenc­e of her wrongdoing,” aniya.

Pinayuhan din ni Panelo si Fox na sumunod sa batas saan man ito naroroon upang hindi pagdusahan ang consequenc­es nito.

“Our advice to Sister Fox is to follow the law whether here or elsewhere. Otherwise, the law of cause and effect will operate against her, as it did in this particular instance,” aniya.

Sinabi rin ng opisyal ng Palasyo na si Fox ay nagsisilbi­ng paalala sa lahat ng banyaga sa ansa na hindi nila tinatamasa ang parehong prebilehiy­o na mayroon ang bawat Pilipino sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines