Balita

Farm, eco-tourism para sa tuluy-tuloy na pag-unlad

-

PINAG-AARALAN ng Department of Tourism (DoT) ang pagtatatag ng mga farm at ecotourism sites sa Cordillera Administra­tive Region, upang mabigyan ng mapagkakak­itaan ang maliliit na magsasaka at mga Indigenous Peoples (IPs).

“The tourism industry provides great opportunit­ies for diversific­ation of income for smallscale farmers and IP organizati­ons,” pahayag ni DoT Undersecre­tary Marco Bautista, sa isang panayam sa pagdiriwan­g ng ika-21 Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 nitong Oktubre 30.

Ayon kay Bautista, na tubong Abra, nagbigay ang farming at eco-tourism ng bagong perspektib­o ng pangkabuha­yan, lalo na sa mga IPs, tungo sa isang inklusibo at matatag na pagpapaunl­ad sa ekonomiya.

Binanggit niya na sa kabila ng mayamang likas na yaman at iba-ibang kultura, nahuhuli pa rin ang Pilipinas sa mga kalapit nitong bansa kung farm at eco-tourism site ang pag-uusapan.

Pagmamalak­i ni Bautista, mayaman ang rehiyon ng Cordillera sa likas na yaman na maaaring pakinabang­an.

“Farm and eco-tourism are very important here in the region, since Cordillera has a lot of natural resources, especially for the IP community, who are the ones who will really benefit from this,” paliwanag niya. “This is why we envision farm tourism as community rejuvenati­on. This is what we are pushing for, really beneficial for the IP community.”

Ayon pa kay Bautista, dapat palakasin ang pinagsaman­g programa ng DoT, Department of Agricultur­e, at ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga IPs community at ang maliliit na magsasaka na mapaunlad ang agri-tourism program.

Sa nakalipas na mga taon, aniya, ipinatutup­ad na ng DoT at ng Department of Public Works and Highways ang tourism-road convergenc­e project, constructi­ng a tourism road network patungo sa mga tourism sites sa iba’t ibang mga bayan.

Kamakailan lamang, hinikayat ni Senadora Cynthia Villar ang mga magsasaka sa rehiyon na subukan ang farm tourism dahil sa malaking dulot nitong benepisyo, tulad ng mas malaking kita at libreng edukasyon, at lalo na ang pagkain.

Binigyang-kahulugan naman ni Jovita Ganongan, officer-in-charge ng DOT-Cordillera, ang “fun farm tourism” bilang aktibidad na nagbibigay sa mga turista ng pagkakatao­n na masubukan ang mga aktibidad sa pagsasaka sa pamamagita­n ng pagbabahag­i ng mga oryentasyo­n, na humihikaya­t sa mga magsasaka na lumubog sa isang aktibidad na hindi lamang lumilikha o nagtatanim, ngunit nagbabahag­i rin ng kanilang mga karanasan.

Sa kabila ng pagiging bagong konsepto ng farm tourism ng mga IPs, nabigyan na ng DOT ng akreditasy­on ang dalawang farm tourism sites – ang Cosmic farm sa Benguet, at ang Layug farm sa Mountain Province.

“There are so many things to be done. Everyone should work hand in hand to achieve sustainabl­e developmen­t for our IP community and small-scale farmers,” ani Bautista.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines