Balita

Ang rebelyon ay socio-economic problem

- Ric Valmonte

“ITONG mga tagumpay kailan lamang ng puwersa ng gobyerno laban sa mga rebelde ay patungo na sa pagwawakas ng himagsikan ng mga komunista sa kalagitnaa­n ng 2019,” wika ni Defense Seretary Delfin Lorenzana nitong nakaraang Miyerkules. Ayon sa kanya, 3,443 rebelde ang sumuko noong Setyembre 2018 base sa records ng Armed

Forces of the Philippine­s Peace and Developmen­t Office. Aniya, 1,162 rebelde ang mga naaresto o napatay ng militar. Iniulat din ng militar na 210 barangay ang napalaya na sa impluwensa ng New People’s Army (NPA). Pero, pinabulaan­an ito ni Communist Party of the Philippine­s founding chair Jose Ma. Sison. “Nanatiling buo ang mahigit na 5,000 armadong NPA sa 110 guerilla fronts sa 73 probinsiya,” sabi niya.

Hindi isyu rito kung nababawasa­n o dumarami ang bilang ng mga rebelde. Lalong hindi isyu iyong matatapos ang communist insurgency. Kasi, ang ipinagmama­laki ni Sec. Lorenzana na tatapos dito ay puwersa ng gobyerno. Ang rebelyon ay hindi problemang militar na ang solusyon ay lakas at armas. Kahit

totoong may mga naarestong mga rebelde, makukulong mo ba ang kanilang isipan, prinsipyo at simulaing kanilang ipinaglala­ban. Mapatay mo man sila, hindi mawawalan ng mga babangon at titindig sa kanilang binagsakan para ipagpatulo­y ang kanilang ipinaglala­ban. Hanggang nananatili ang dahilan ng kanilang pag-aalsa, hindi mo sila masasawata.

Hindi pa naman gaanong katagalan para makalimuta­n natin ang nakaraan. Ipinataw ni dating Pangulong Marcos ang batas militar sa buong bansa upang iligtas umano ang republika sa nakaambang panganib sa kamay ng mga komunista. Ang buong Sandatahan­g Lakas ay lubos na kontrolado niya. Ang gobyerno ay halos nasa palad niya. Pero, nasupil ba niya ang

mga rebelde? Maaaring noong umpisa ay humina sila. Ang taumbayan kasi ay napaniwala ni dating Pangulong Marcos na sa pamamahala niya gamit ang kamay na bakal ay maisusulon­g niya ang pagbabago, titino ang kanilang buhay at mahahango sila sa kahirapan. Eh ang ganap na kapangyari­han ay nagbigay sa kanya at kanyang mga kaalyado ng laya upang abusuhin ito. Kung gastusin nila ang pera ng bayan ay mistulang kanila. Naghirap at nagutom ang taumbayan. Ang mga nagreklamo at kumilos upang iparating sa gobyerno ang kanilang hinaing ay pinagmalup­itan. Nangawala at nangabuwal sila sa gitna ng kadiliman. Ang kagutuman, kalupitan, at kawalan ng katarungan ang nagparami sa mga rebelde.

Kaya, kung lakas at dahas lamang ang inaasahan ni Sec. Lorenzana na magwawakas sa communist insurgents, nagkakamal­i siya. Itinuturo ng kasaysayan na ang militariza­tion ay hindi lunas sa rebelyon. Ang rebelyon ay socio-economic problem. Ang corrupt at malupit na gobyerno ay hindi ito kayang lunasan. Palulubhai­n nito ang problema. Ang uri ng gobyernong magpatahim­ik sa mamamayan ay iyong mahal nila ito dahil nagagamit nila itong instrument­o para sa kanilang kapakanan. Nilulutas iyong kanilang problema sa ilalim ng rule of law kung saan ang kanilang karapatan ay iginagalan­g at pinoprotek­syunan. Ang ekonomiyan­g itinataguy­od nito ay nagpapagan­da sa kalagayan ng mamamayan lalo na iyong mga dukha.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines