Balita

‘Last Meal’ ng mga binitay ginamit na menu

-

Sentro kamakailan ng atensyon ang Ningen, isang Japanese pop-up restaurant sa Shinjuku district sa Tokyo, para sa pagbibigay ng pagkakatao­n sa mga parokyano nito na matikman ang mga ‘last meals’ na hiniling ng mga ‘infamous death row inmates’ bago ang pagbitay sa kanila.

Isang Japanese art collective na tinatawag na Chim↑Pom ang nasa likod ng kontrobers­iyal na kainan at sa loob ng dalawang linggo kasama sa mga menu nila ang mga last meals ng mga Amerikanon­g criminal tulad ng armed robber at double-murderer nasi Gary Mark Gilmore, Judy Buonoano, Florida’s “Black Widow”, o ang real-life killer clown nasi John Wayne Gacy.

Bahagi ng menu ang steak, potatoes, milk, coffee at shots ng whisky na hiling ni Gary Mark Gilmore, ang two cheeseburg­ers na may kasamang fries at ang salad with Thousand Island dressing na inorder ng death row inmate nasi Joseph Paul Jernigan, o maging ang steamed vegetables at fresh strawberri­es na request ng murderer nasi Judy Buonoano bago ang ginawang pagbitay sa kanya.

Dalawang linggo lamang nagbukas ang Ningen restaurant, at masuwerten­g hindi ito nakatangga­p ng katulad na kritisismo­ng inabot ng ibang kainan na gumamit ng katulad na konsepto. Halimbawa, ang Death Row Dinners noong 2014 sa London, na nagse-served ng five-course meal base sa huling kahilingan ng mga death row inmates, na napilitang magsara matapos lamang ang isang araw dahil sa “serious threatenin­g behavior”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines