Balita

PNR, aabot na sa Sorsogon sa 2022

-

Sisimulan na sa susunod na taon ang P175-bilyon Philippine National Railways (PNR) South Line project na bibiyahe mula sa Maynila hanggang sa Matnog, Sorsogon.

Ang 639kilomet­rong proyekto ay bahagi ng PNR Luzon System program, na kabilang sa popondohan ng China, alinsunod sa Official Developmen­t Assistance (ODA) na lalagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping, na bibisita sa bansa ngayong Nobyembre.

Panukalang proyekto ni Albay Rep. Joey Salceda, paiigsiin ng PNR South Line Railway sa limang oras na lang ang biyahe mula sa Maynila hanggang sa Legazpi City, Albay.

Magkakaroo­n ito ng siyam na istasyon—sa Maynila, Los Baños, Batangas City, Lucena, Gumaca, Naga City, Legazpi City, Sorsogon City, at Matnog sa Sorsogon at inaasahang bibiyahe na sa 2022.

Taong 2015 nang ipanukala ng Bicol Regional Developmen­t Council, sa pangunguna ni Salceda, ang PNR South Line project, na bahagi na ngayon ng “Build, Build, Build” program ng gobyerno.

Ang PNR Luzon System ay binubuo ng PNR North 1 (Manila-Malolos) na nagkakahal­aga ng P10.3 bilyon; PNR North 2 (Malolos-Clark), P211.4 bilyon; PNR South Railway Commuter (Manila-Los Baños), P124 bilyon; at PNR South Line (ManilaSors­ogon), P175 bilyon.

Aabot naman sa 100,000 pamilya ang maaapektuh­an ng nasabing proyekto, at naglaan na ng P54 bilyon para sa relokasyon ng mga ito.

“If you don’t stand for something you will fall for anything.” ― Gordon A. Eadie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines