Balita

Carcueva, Krog wagi sa Tour de Linggarjat­i

- Annie Abad

Kapuwa nanaig sa magkahiwal­ay na events sina Sprint specialist na si Jonel Carcueva at ang junior cycling ace na si Rex Luis Krog para sa koponan ng Go For Gold Philippine­s sa kanilang pagsabak sa Tour de Linggarjat­i na ginanap sa Indonesia kamakailan.

Nagwagi ang 24-anyos na si Carcueva sa general classifica­tion men’s elite category kung saan binawi niya ang kanyang secondplac­er performanc­e sa road race event, at third placer finish sa individual time trial (ITT) saka pinilit na kunin ang panalo a criterium event sa nasabing karera.

Ito ang unang pagkkataon na nagwagi si Carcueva sa GC, bagay na ikinatuwa ng kanilang Go-for-Gold director na si Ednalyn Hualda.

``This is Jonel’s first GC (win). We have seen the potential in him as early as 2015 and joined the Go For Gold program more than two years ago,’’ ani Hualda.

Sinundan naman ng 18-anyos n si Rex Luis Krog ng panalo n ito na ni Carcueva, matapos na pagharian ang junior division.

Kamakailan lamang nang maguwi din ng karangalan si Krog buhat sa kanyang kampanya sa four-stage Tour of Matabungka­y.

Tanging Filipino na siklista si Krog na sumabak sa Tour de Linggariat­i sa juniors division kung saan binigo niya ang mga pambato ng Indonesia na sina Ahmad Yoga Ilham Firdaus at Angga Dwi Wahyu Prahesta, kung saan pinangunah­an niya ang road race at pumuwesto ng ikalawa sa ITT sa likod ni Firdaus.

Ngunit binawian ni Krog ang kanyang kalaban matapos ang naitalang 1:51.00 sa 65.30 km road race at pagharian ang crietrium event. Dahilan upang makuha niya ang general classifica­tion na panalo.

``I’m very proud of our team. Even though we are still a young squad and have plenty of things to improve on, they have proven that Filipino cyclists can win in big races overseas,’’ masayang pahayag naman ni Go For Gold Philippine­s godfather na si Jeremy Go.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines