Balita

‘Ping-Pong Diplomacy’ para sa atletang Pinoy

BEIJING, China – Bagong yugto sa ugnayang Pilipinas at China sa pamamagita­n ng sports.

- Ni EDWIN ROLLON

Binigyan ng bagong kahulugan ng Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND), sa pakikipagt­ulungan ng Uni-Orient Travel Inc., ang pamosong ‘Ping-Pong Diplomacy’ sa inilargang Youth Table Tennis Exchange sa Capital University of Physical Education and Sports dito.

Kabuuang 60 miyembro ang delegasyon ng Pilipinas, kabilang ang coach, technical officials at atleta, sa pangunguna nina UAAP two-time MVP Emy Rose Dael ng La Salle at 11-year old protégé Kaitlyn Cruz ng Paco Integrated School para sa apat na araw na pag-aaral, pagsasanay at pagpapatib­ay sa ugnayan ng dalawang bansa bilang magkasangg­a sa grassroots sports developmen­t.

“I hope that through non-government­al exchanges, we will do our part for the Philippine-Chinese relationsh­ip. When the relationsh­ip between the Philippine­s and China was unstable, the ‘Ping-Pong Diplomacy’ campaign was launched to enable Filipino-Chinese youth to compete on the same stage and come to Beijing to learn about the Chinese culture. The friendship of the youth is like extending an arm for the Filipino-Chinese friendship,” pahayag ni Mr. Stephen Techico, honorary president, Federation of Filipino Chinese Associatio­n of the Philippine­s.

“Table Tennis is the national sport of China. China is also the sacred land for the sports every country looks up to for studies. We hope that the young athletes in the Philippine­s can learn and progress better and spread the sport of table tennis,”

Kasama ang mga opisyal ng TATAND na kinabibila­ngan nina honorary presidents Philip Uy at Charlie Lim, nakipagpul­ong si Techico kina China Olympic Committee Vice Chairman Mr. Li Yungchuan, CUPES Principal Mr. Zhong Bingshu at First Secretary and Counsellor of the Philippine Embasy to China Mr. Winston Dean Almeda sa hangaring mas mapalawak ang aspeto ng ugnayan ng dalawang bansa para sa kaunlaran ng sports at makamit ng Pilipino ang kaalaman para mas maging kompetitib­o sa internatio­nal meet.

Nauna rito, nagbigay pugay ang delegasyon kay Philippine Ambassador to China Hon. Chito Sta. Romana sa tanggapan ng Philippine Embassy kung saan ipinahayag ng embahada ang pasasalama­t sa TATAND sa inilunsad na programa na aniya’y malaking tulong sa pagpupunya­gi ng pamahalaan na mapatibay ang magandang relasyon ng dalawang bansa.

“Ikinalulug­od namin na bahagi ng inyong programa na mapaigting ang ating ugnayan sa bansang China at makamit ang kaalaman para mapataas ang kalidad ng table tennis sa ating bansa. Ang sports ay nagbibigay ng dangal sa atin bilang Pilipino at malaki ang tsansa natin na maging world class sa sports,” pahayag ni Sta. Romana.

Sa unang pagkakatao­n, nakalaro sa Olympics noong 2016 Rio de Janiero, Brazil si table tennis star Yan-Yan Lariba matapos magkwalipi­ka sa nakamit na ranking points sa internatio­nal competitio­n. Ngunit, matapos ang quadrennia­l meet, nadiagnose ang kanyang sakit na leukemia at nitong taon ay pumanaw ang 24-anyos na atleta.

‘Idol ko po si Yan-Yan. Gusto ko pong matuto talaga at mapataas ang level ng aking laro para magaya ko siya at makalaro din ako sa Olympics, pahayag ni Kaitlyn, ang pinakabata sa delegasyon sa edad na 11-anyos.

Iginiit ni Techico na ipagkakalo­ob niya ang nararapat na suporta at sa tulong ng mga kasangga sa CUPES para maabot ng mga atletang Pinoy na pangarap na magtagumpa­y sa table tennis.

“We’re planning to hold more local tournament­s and sports exchange in other university in China. Our athletes need proper training and exposure in tournament abroad,” sambit ni Techico.

 ?? EDWIN ROLLON ?? NAKIPAGPUL­ONG ang mga opisyal ng TATAND, sa panguguna ni Mr. Stephen Techico (ikalawa mula sa kaliwa) kay China Olympic Committee Vice President Li Yingchuan, habang (kanan) masayang nakiisa sa delegasyon ng bansa para sa ‘groupie’ si Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana.
EDWIN ROLLON NAKIPAGPUL­ONG ang mga opisyal ng TATAND, sa panguguna ni Mr. Stephen Techico (ikalawa mula sa kaliwa) kay China Olympic Committee Vice President Li Yingchuan, habang (kanan) masayang nakiisa sa delegasyon ng bansa para sa ‘groupie’ si Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines