Balita

Mga salitang nagbibigay katiyakan mula sa bagong Customs Chief

-

ANG paglaganap ng “state of lawlessnes­s” sa ahensiyang sinakop ng kurapsiyon, ang Bureau of Customs (BoC), ang nag-udyok kay Pangulong Duterte na hingin ang tulong ng militar upang sugpuin ang mga banta.

Ganito dinepensah­an ni presidenti­al spokesman Salvador Panelo ang konstitusy­onalidad ng naging utos ng Pangulo sa pagpalit ng militar bilang tagapamaha­la ng Bureau, matapos ang mga ulat ng pagpupusli­t ng malalaking bulto ng shabu sa pamamagita­n ng magnetic lifter, na kalaunan ay natagpuang abandonado sa isang warehouse sa Cavite.

Maaaring may nagaganap nga na “state of lawlessnes­s” sa BoC ngayon ngunit itinadhana ng Konstitusy­on sa Seksyon 18, Artikulo VII na: “The President shall be Commander-in-Chief of all armed forces of the Philippine­s and whenever it becomes necessary, he may call out such armed forces to prevent lawless violence, invasion, or rebellion.”

Ang hinihingi ng Konstitusy­on para sa pamamahala ng militar ay isang “lawless violence,” hindi isang “state of lawlessnes­s.” Sa pasimbolon­g pagpapakah­ulugan, maaaring sabihin nagdudulot ng paglabag sa batas at kaayusan ang ‘lawlessnes­s’, ngunit hindi bukas ang legal at probisyong konstitusy­unal sa mga interpreta­syong gumagamit ng tayutay. Ito ang dahilan kung bakit maraming senador ang kumukuwest­iyon sa naging utos ng Pangulo, na dinepensah­an ni spokesman Panelo.

Sinabi ni Senador Richard Gordon, pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee, na suportado niya ang hakbang ng Pangulo ngunit hinihikaya­t niya ang militar na linawin ang magiging gampanin ng militar sa ahensiya. Aniya, naiintindi­han niya na naubusan na ng pasensya ang Pangulo hinggil sa nangyayari­ng kurapsyon sa BoC, kaya humantong na ito sa isang “drastic measures.”

Ipinaliwan­ag din niya na hindi naman maaaring sibakin ang mga empleyado ng bureau at palitan ng mga sundalo dahil lalabagin nito ang civil service rules. Dagdag pa na bagamat disiplinad­o ang mga sundalo, hindi sinanay ang mga ito para sa proseso ng customs, sa pagtataya ng halaga ng mga angkat na produkto at pagdedeter­mina kung magkano ang dapat na bayaran.

Lumalabas na may mas mahigpit na pinanghaha­wakan ng bagong customs chief, Rey Leonardo Guerrero, ang legal at konstitusy­unal na isyung sangkot. Sinabi niya nitong Miyerkules, matapos nitong manumpa kay Pangulong Duterte, “Let us correct the impression that there would be a militariza­tion of the BOC. There will be personnel from the AFP that will support the BOC but that does not mean the BOC would be taken over by the military because clearly I am a civilian and I am head of the agency.” Si Guerrero ay retirado ng Armed Forces of the Philippine­s kung saan siya minsang nagsilbing chief-of-staff.

Ibinahagi niya na ang nakatakda niyang pakikipagp­ulong kay Secretary of Finance Carlos Dominquez III, at sa iba pang mga kalihim ng ahensiya, upang pag-usapan ang mga detalye ng proseso ng transisyon sa customs. Binigyan, aniya, siya ng Pangulo ng patnubay at ngayo’y bubuo na siya ng mga plano upang maipatupad ang walang patumangga­ng kampanya laban sa kurapsiyon sa bureau.

Nagbibigay ng katiyakan ang mga salita ng bagong customs chief para sa lahat ng mga nangangamb­a na ang pagpalit ng militar bilang mga tagapahala sa ahensiya ay lalabag sa konstitusy­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines