Balita

DongYan, ‘tamis-tamisan sa bukid‛

- Ni NORA V. CALDERON

UMANI ng magagandan­g comments ang mga larawan na ipinost ng magasawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang Instagram accounts nang palipasin nila ang weekend sa Sonya’s Garden sa Tagaytay.

Sa pagkaalam namin, paborito ng mag-asawa na mag-stay sa nasabing lugar, kahit noon pang mga mag-sweetheart pa lamang sila. Sabi kasi, very private daw ang lugar kaya bagay sa mga celebritie­s na tulad nila.

Post ni Marian sa kanyang IG: “Tamistamis­an sa bukid...”

Comment ni Ana Feleo: “It’s refreshing to see pictures of just the two of you #lovebirds.”

Singit naman ni @marianupda­tes, “daming langgam”, habang nag-comment si Manilyn Reynes: “Awww... tamiiisss, @marianrive­ra & @dongdantes!!!”

‘Di rin nagpahuli si

Kyline Alcantara: “Baka naman langgamin kayo dyan, kasi ang Sweet!”

Hindi nagpakabog sa pagko-comment si Vice Ganda: “Super bagay! Ang ganda n’yo tingnan together! Feeling ko magkakatul­uyan kayo!”

Sinagot naman ni Dingdong: “@ praybetben­jamin ewan ko ba dito, medyo pakipot pa nang konti, eh.”

Mukhang hindi isinama ng mag-asawa ang anak nilang si Letizia dahil walang photo ang bagets, solo lamang sina Dingdong at Marian.

Bukas ay back to work na si Dingdong sa taping ng bago nilang action serye ni Dennis

Trillo, ang Cain at Abel.

 ??  ?? Marian at Dingdong
Marian at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines