Balita

Jason, inaway sina Kris at Thea

- Nora V. Calderon

N AG-ENJOY ang netizens sa pagbasa at pakikisaba­y sa mga posts ni Jason Abalos sa kanyang social media tungkol sa karakter niya sa top-rating afternoon prime drama series nilang Asawa Ko Karibal Ko.

Mukhang may espiritu ng karakter niyang si Katriona ang mga post niya dahil inaaway niya ang mga kasama niya sa serye na sina Kris Bernal at Thea Tolentino.

“Si Thea Tolentino nag-aabang na mawala na ako sa show para siya naman ang mapanood. At yung magaling na babae diyan, si Kris Bernal, hayaan ninyo siya,” post ni Jason.

Sinagot ng direktor nilang si Mark Sicat

dela Cruz ang naturang post ni Jason ng, “Ganda ka?” na agad ding sinagot ni Jason ng “Nagmamagan­da, haha!”

Maraming humanga kay Jason na pumayag siyang lumabas bilang si Nathan na may pusong babae, pero nasa katawan ng isang lalaki. Lingid ito sa asawa niyang si Rachel (Kris) na patuloy sa pag-akusa sa kanya ng pambabae na lagi rin nilang pinagaaway­an.

Special participat­ion lamang ang role ni Jason pero hindi niya ito tinanggiha­n. “Na-challenge po ako na gumanap bilang si Katriona at may naging boyfriend, si Daniel played by Matthias Rhoads,” giit ni Jason. “Medyo mahirap dahil first time kong gumanap ng seryosong bading, na later on ay magiging transgende­r. Tinulungan naman ako ng mga friends kong nakausap at ni Direk Mark.” Suportado rin siya ng girlfriend niyang si Vickie Rushton pinasyalan pa nga raw siya sa taping para suriin ang kanyang make-up at ang mga dress na isinuot niya.

Nitong Biyernes ay ipinalabas na ang paghahanda ng pekeng kamatayan ng karakter ni Jason, kasama ang anak nila ni Rachel na si Nicole. At sa pagbabalik niya, siya na si Venus. Aapir pa kaya si Jason bilang si Venus? Ito ang abangan ngayong Lunes, pagkatapos ng Eat Bulaga.

 ??  ?? Jason
Jason

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines