Balita

R25 UMENTO SA METRO

‘Enough’ para sa workers, sa ngayon—Palasyo

- Nina GENALYN D. KABILING at LESLIE ANN G. AQUINO May ulat nina Beth Camia at Mina Navarro

Nilinaw kahapon ng Malacañang na ang P25 umento sa mga sumusuweld­o ng minimum sa pribadong sektor sa Metro Manila ay “subject to change” depende sa sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.

Pero sa ngayon, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na ang nasabing dagdag-sahod na inaprubaha­n ng wage board ay “enough” upang matulungan ang mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

“There has been deliberati­on on wage board and apparently that’s the decision so let’s see,” sinabi ni Panelo sa Palace press briefing kahapon nang tanungin kung makatwiran ba ang inaprubaha­ng umento.

“Perhaps presently that’s what they found out that’s enough. But I guess it’s always subject to change depending on the economic conditions,” sabi ni Panelo.

Inihayag kahapon ng Department of Labor and Employment (DoLE) na P537 na ang bagong minimum wage sa Metro Manila, sa iba’t ibang sektor, makaraang aprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivi­ty Board ang P25 umento.

“Last October 30, the National Capital Region approved a P25 basic wage increase and integratio­n of its existing P10 COLA. Upon effectivit­y of the Wage Order No. NCR-22, the new minimum wage rates in Metro Manila shall be P500 to P537 across different sectors,” sinabi ni DoLE Secretary Silvestre Bello III sa press briefing.

Ang P25 dagdag-sahod ay mas mababa sa P334 inihain ng mga petitioner, at mas malapit sa P20 alok ng Employers Confederat­ion of the Philippine­s (ECOP).

Magiging epektibo ang umento 15 araw ang nakalipas matapos itong malathala sa pahayagan.

Hanggang sa katapusan ng Oktubre, 16 na sa 17 Regional Board ang nagpalabas ng bagong wage order para magkaloob ng arawang dagdag-sahod mula sa P9 hanggang P57.

Una nang nagkaloob ng umento ngayong taon ang Central Luzon (P20), Calabarzon (P9-P45), Western Visayas (P8.50-P26.50), Central Visayas (P10-P52), Eastern Visayas (P20-P30), Zamboanga Peninsula (P20), Davao Region (P56.43), Soccsksarg­en (P16-P18), Autonomous Region in Muslim Mindanao (P15), at Cordillera Administra­tive Region (P20P30).

Samantala, binatikos naman ng Partido Manggagawa (PM) ang bagong P537 na suweldong minimum, na ayon sa kanila ay hindi pa umabot sa kalahati ng cost of living na ideal para sa pamilyang may limang miyembro sa Metro Manila.

“P25 is short by 30% to make up for the P35.84 erosion in wages due to the 7% inflation in the NCR recorded in August this year. Partido Manggagawa’s own cost of living estimate for a family of five in Metro Manila is around P1,300 a day, more than double the new minimum wage of P537,” saad sa pahayag ni PM Chairperso­n Rene Magtubo.

Sinabi naman ni Sentro Secretary General Joshua Mata na hindi na siya nasorpresa sa kakarampot na umentong ipinagkalo­ob ng wage board dahil ang mga ito “were instituted precisely to keep wages down in line with the government’s cheap labor policy.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines