Balita

Halikan nina Angel at Tony, trending

- Reggee Bonoan

“WOW!” Ito ang nasambit namin nang mapanood ang trailer ng pelikulang Glorious, na mapapanood sa IWant ngayong Nobyembre sa hindi pa nabanggit na petsa. MayDecembe­r affair ang kuwento ng movie nina Tony Labrusca at Angel Aquino, at idinirek ng isa sa mga kilala naming passionate director na si Connie Macatuno.

Nagulat kami kay Tony dahil talagang palaban siya sa kissing scenes at love scenes with Angel. Medyo nanibago kasi kami sa binata, dahil sa huling panayam namin sa kanya sa pocket presscon ng ML (Martial Law) bago ito ipalabas sa CCP for Cinemalaya 2018 ay natanong namin kung ready na siyang tumanggap ng sexy role, o mga eksenang may halikan. Actually, natanong din namin ang tungkol sa May-December affair role.

Napangiti si Tony that time. “Parang hindi pa, mas gusto ko muna ‘yung ganito, like ML, ‘yung sa La Luna (Sangre), pero hindi ko naman kino-close ang door ko,” aniya.

At dahil maganda ang role ni Tony, bukod pa sa napakagand­a rin at sexy ng partner niyang si Angel, bakit nga ba tatanggi pa siya? Nalaman namin mula sa production na marami palang nag-audition para sa karakter ni Tony, pero walang pumasa. Hindi lang malinaw kung kanino hindi pumasa, kay Direk Connie o sa Dreamscape Entertainm­ent Team?

Nang banggitin daw kay Angel ang pangalan ni Tony ay pumayag ang una, dahil fresh, bukod pa sa pinanood ni Angel ang projects ng aktor, at nagustuhan niya ang aura nito.

Hmm, mukhang mabenta si Tony sa mga older women? Kasi nung nakausap namin siya at binanggit namin kung okay siyang magkagusto sa mas may edad sa kanya ay natawa lang siya sa amin.

Anyway, ilang araw pa lang inilabas ang trailer ng Glorious ay umabot na sa five million ang views nito. At take note, dahil sa IWant na ito mapapanood ay hindi na ito saklaw ng Movie and Television Review and Classifica­tion Board (MTRCB). kaya hindi na ito kailangang putulin ng direktor o producer para pumasa sa gusto nilang klasipikas­yon.

Natatandaa­n namin ang pelikulang Wild and Free ni Direk Connie, na halatang maraming naputol dahil hinabol nila ang PG 13 rating.

Hindi naman matatawag na wild ang love scenes nina Angel at Tony, dahil napakapass­ionate ng pagkakagaw­a, at hindi rin free ang relasyon nila sa mata ng mga kababayan nila, dahil nga malaki ang agwat ng edad nila.

Sabi nga, 50 is the new 20. Anyway, sino kaya ang mas nag-enjoy gawin ang love scenes, si Angel o si Tony? O baka naman si Direk Connie, dahil naalala niya ang kabataan niya noong walwal pa siya?

 ??  ??
 ??  ?? Angel at Tony
Angel at Tony

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines