Balita

Julia ‘asungot’ para sa fan ni Joshua

- Ni NITZ MIRALLES

OCTOBER 7 ang alam naming birthday ni Joshua Garcia, pero last Sunday lang ginanap ang party for his 21st birthday sa Fernwood Gardens, na organized by his fans under Tropang Joshua. Ipinakita ng fans ni Joshua kung gaano nila kamahal ang aktor sa bonggang birthday party na ibinigay nila sa idolo nila.

Siyempre pa, ang GF ni Joshua na si Julia Barretto ang special guest sa party. Sobrang sweet ng birthday greetings ni Julia para sa ka-love team: “You are a gift to me... and uhm I LOVE YOU...and you are MY ONE AND ONLY LOVE.”

Pinuri si Julia sa katapangan­g ideklara ang pagmamahal niya kay Joshua sa harap ng maraming tao. Ang maganda, reciprocat­ed ni Joshua ang pagmamahal sa kanya ni Julia.

Anyway, nagkaroon pa ng isyu bago ang party dahil sinabi ng isang fan na hindi raw dadalo sa party ni Joshua si Julia dahil may sakit. Obvious na hindi gusto ng may Twitter handle na @ cherry3466­9627 si Julia para sa aktor.

Tweet ni @cherry3466­9627: “Walang kuwentang babae na si @BarretoJul­ia. Maypa IGS na not feeling well, itinaon pa talaga this day. Sana kung may isip ka ‘wag na pag-post, umiral na naman ang pagkaimmat­ure mo. Akala ko ba matalino ka.”

Tuluy-tuloy sa pagti-tweet ang nasabing hater.

“Hayaan n’yo mag-trend tayo sa walang kuwentang Julia Barretto.”

“Magbunyi tayong tropang walang asungot sa party.”

“Hindi pinayagan ni Pat Sugui kaya gumawa ng alibi ‘di b a @barrettoJu­lia at @iamjoshuag­arcia. Sobra na daw hanggang Ngayon at Kailanman promo lang daw ang ka-sweetan.”

Finally, sumagot si Julia: “Oh Cherry. I did say I was sick but did I ever say I couldn’t make it? Are you mad at the fact that I’m sick or the fact that I’m the woman who owns and holds the heart of Josh? See you later. I won’t be too hard to find. I’ll be the beautiful woman holding his hand.”

Sinundan pa ni Julia ang sagot niya sa hater: “Oh and I’ll make sure Joshua sees this. Have a great day.”

Mukha ngang ipinabasa ni Julia kay Joshua ang tweets ni Cherry, kaya nag-react din si Joshua: “This is not funny para sa araw na ‘to. Stop this.”

In fairness, nakinig kay Joshua ang nasabing fan at itinigil ang pangse-shade kay Julia. Pinayuhan naman ang aktres ng kanyang supporters na huwag nang patulan ang basher.

 ??  ??
 ??  ?? Julia
Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines