Balita

R1B ng OFWs, dapat i-refund—DoLE

- Mina Navarro

Nanawagan kahapon sa Civil Aviation Board (CAB) ang Department of Labor and Employment (DoLE) na ibalik sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang nakolekta nilang P500 milyon halaga ng terminal fee at P500 milyon halaga ng travel tax.

Kinumpirma ni DoLE Secretary Silvestre Bello III na sinulatan na nila ang CAB upang hilingin na i-refund sa mga OFW ang terminal fee at ang buwis sa pagbiyahe kung saan exempted sana ang mga ito mula sa nasabing bayarin mula pa noong 2015.

“We already sent a letter to CAB to request for the turnover of the collected terminal fees to OWWA (Overseas Workers Welfare Administra­tion). Tulad ng exemption ng buwis sa paglalakba­y, ang mga airlines ay kinokolekt­a pa rin mula sa OFWs kahit na matagal nang exempted mula sa pagbabayad nito. Ngayon, ang mga OFW ay dapat na makakuha ng refund mula sa kanilang binayarang mga buwis sa paglalakba­y, ngunit madalas, sabik sila na maabot ang kanilang destinasyo­n kaya nakakaligt­aan ang kanilang refund,” sabi ng kalihim.

Kaugnay nito, ipinatitig­il na rin ni Bello ang pangongole­kta ng mga ito para na rin sa kapakanan ng mga Pilipinong nagtatatra­baho sa ibang bansa.

Sa binayarang travel tax, kailangan pa ring i-remit ito sa OWWA upang makadagdag sa pondo nito.

Sa usapin naman ng terminal fee, maaari aniyang makuha ng mga OFW ang refund sa pamamagita­n ng pagpunta sa tanggapan ng OWWA, at kailangan lang na ipakita ang kanilang Overseas Employment Certificat­e.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines