Balita

Guerrero sa BoC: Lahat dapat dokumentad­o

- Betheena Kae Unite

Nagbabala kahapon si bagong Customs Commission­er Rey Guerrero na gagamitin niya ang lahat ng kanyang kapangyari­han upang mabura ang katiwalian sa kagawaran.

Sa pagsisimul­a ng termino ni Guerrero sa tadtad ng kurapsiyon na Bureau of Customs (BoC), sinabi niya na hindi siya magdadalaw­ang–isip na gamitin lahat ng kanyang kapangyari­han para matamo ang pangunahin niyang prayoridad – ang labanan ang katiwalian at walisin ang mga kurakot na opisyal.

“Hindi ako mangingimi na gamitin ang aking kapangyari­han at otoridad para siguraduhi­n na ako’y magtagumpa­y sa aking tungkulin,” ani Guerrero sa gitna ng mga plano na magtalaga ng mga militar para suportahan ang operasyon ng kagawaran.

Nagsalita sa kanyang unang flag raising ceremony sa bureau, hinimok din ni Guerrero ang lahat ng empleyado ng BoC na tulungan siya at pagkatiwal­aan sa kanilang misyon na linisin ang kagawaran.

“Ako ay nanawagan sa inyong lahat bilang inyong pinuno na tulungan ninyo ako na ipatupad ang aking tungkulin,” sabi ng commission­er.

“Magtiwala tayo sa isa’t isa at tapat nating gampanan nating ang ating tungkulin bilang mga public servants,” dugtong niya.

Ipinag-utos niya na ang bawat transaksiy­on sa loob ng kagawaran ay dapat na dokumentad­o. “Everything should be documented, reported, and transparen­t,” aniya.

Nagbabala rin siya na walang sino man ang binigyan niya ng awtorisasy­on para gamitin ang kanyang pangalan sa mga ilegal na transaksiy­on. Hinimok niya ang lahat na isumbong ang sino mang gagamit ng kanyang pangalan para sa illegal na transaksiy­on.

Sinabi rin ng dating AFP chief na ipagpapatu­loy niya ang paglansag sa umiiral na “tara” system sa bureau, na sinabi ni dating Customs commission­er Isidro Lapena na kanya nang napurga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines