Balita

14 na huwaran ng MIAA pinarangal­an

- Bella Gamotea

Tumanggap ng parangal mula sa Manila Internatio­nal Airport Authority (MIAA) ang 11 airport police, dalawang medical staff at isang miyembro ng Terminal Operations Group (TOG) sa flag raising ceremony sa administra­tion building ng MIAA, kahapon ng umaga.

Iginawad ni MIAA General Manager Ed Monreal ang parangal sa 11 airport police para sa “Outstandin­g Performanc­e” at “Successful Responsibi­lities” bunga ng pagkakahul­i kay Joseph Pascasio, suspek sa salisi, swindling, at pangongoto­ng sa mga pasahero sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA)-Terminal 3 sa Pasay City.

Kinasuhan si Pascasio ng paglabag sa Article 294, robbery extortion, Article 315, at iba pang asunto.

Ang mga pinarangal­an ay sina APD Senior Insp. Danilo Inalves, APO2s Nino Calma, Ferdinand Cesar Mandanas, Edwin Mapile, Alvin Patayan, APO1s Joey Barlaan, Jim Allan Alcantara, Efreliza Bugarin, Fernando Panghulan; at Jerico Kim Patriarca.

Inirekomen­da namang parangalan si APO3 Amor Andula matapos isauli ang laptop ng asawa ni Miss Asia Margaret Cunanan Insia, sa NAIA T3.

Pinarangal­an din ng MIAA ang dalawang medical staff sa pag-assist sa isang buntis na empleyado na dinugo sa NAIA T2 nitong Hulyo.

Si Mr. Arturo Verallo ng TOG ay pinarangal­ang sa kanyang katapatan matapos isauli ang US$500 na naiwan ng isang dayuhan sa Carousel Area ng NAIA T1, nitong Oktubre 22.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines