Balita

Bebot pinatay para nakawan ng houseboy

- Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Sa kabila ng paglilinis sa pinangyari­han ng krimen sa pagnanais na hindi maaresto, nadakma ng mga pulis ang umano’y drug-crazed houseboy na ninakawan at pinatay ang amo niyang babae sa apartment nito sa Quezon City, nitong nakaraang linggo.

Kinilala ni Quezon City Police District director, Chief Superinten­dent Joselito Esquivel, Jr. ang suspek na si Donato Dollente, alyas Bong, 51, na iniuugnay sa pagpatay kay Maria Joy Maskariño, 55, certified public accountant.

Ayon sa awtoridad, si Dollente ay houseboy ng pamilya Maskariños sa loob ng 10 taon.

Sa inisyal na imbestigas­yon, makailang beses tinawagan si Maskariño ng kapatid, si Edgar at kanyang misis, ngunit hindi sinasagot nitong Sabado, bandang 3:00 ng hapon.

Pagsapit ng 6:00 ng gabi noong araw ding iyon, nagdesisyo­n ang magasawa na silipin si Maskariño sa kanyang apartment sa Cleofas Street, sa Barangay Pasong Tamo.

Sa kanilang pagpasok sa unit, nakitang nilang duguang nakabulagt­a ang biktima at agad na ini-report ang insidente sa pulisya.

Sa cursory investigat­ion ng mga pulis, lumalabas na ang biktima ay hinampas ng matigas na bagay sa ulo na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Nag-imbestiga ang QCPD-Criminal Investigat­ion and Detection Unit (CIDU) at natagpuan ang isang resibo ng grocery at nabatid na huling nakasama ng biktima si Dollente sa isang grocery store nitong Biyernes, dakong 12:00 ng tanghali.

Nagtungo ang mga pulis sa bahay ni Dollente sa San Ville St., sa Bgy. Culiat at inimbitaha­n sa CIDU office sa Camp Karingal nitong Linggo, dakong 3:00 ng madaling araw.

Sa interogasy­on, inamin ni Dollente na pinatay niya ang biktima sa pamamagita­n ng paghahampa­s ng dumbbells sa ulo nito upang kunin ang kanyang pera at gamit, ngunit ipinaliwan­ag na siya ay nasa impluwensi­ya ng droga nang isagawa ang krimen.

Narekober mula sa suspek ang ninakaw nitong laptop, tablet, mobile phone, wristwatch, identifica­tion cards, ATM cards, bankbooks at P7,000 cash ng biktima.

Kakasuhan si Dollente ng robbery with homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines