Balita

Ecija priests, dismayado sa pagpapalay­as kay Fox

- Ni LIGHT A. NOLASCO

SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Dismayado ang mga pari sa Nueva Ecija kaugnay ng pagpapa-deport kay Australian nun Patricia Fox, sa kabila ng pananatili nito sa bansa nang halos tatlong dekada.

Sa kanyang homily sa Sa Antonio de Abbot Parish sa bayang ito, nagpahayag ng pagkalungk­ot si Fr. Arnold Abelardo nang mabalitaan na pinabalik na sa Astralia ang nasabing madre, matapos na isailalim sa deportatio­n proceeding­s ng pamahalaan.

Nagpapasal­amat din si Abelardo kay Fox sa malasakit nito sa mga Pinoy, lalo na sa mga magsasaka, trabahador at iba pang grupo ng mahihirap, na natulungan nito sa panahon ng kanyang pananatili sa bansa.

Napapanaho­n umano na isabuhay ang naging mensahe ni Pope Francis noong 2014, na gisingin ang mundo at magserbisy­o para sa mga api at mahihirap.

Bago ang kanyang tuluyang pag-alis, nanawagan si Fox sa mga Pinoy na maging matapang at huwag basta na lamang manahimik sa nangyayari­ng paglabag sa karapatang­pantao.

Ayon kay Fr. Abelardo, na naging misyonero rin si Fox sa Amerika, Mexico at Guatemala, bilang sakripisyo nito sa kanyang paglilingk­od sa publiko na tanging mithiin ay palaganapi­n ang Salita ng Panginoon.

Unang nakasuhan ng administra­syon si Fox dahil sa umano’y pakikilaho­k sa mga kilos-protesta na mahigpit na ipinagbaba­wal sa mga dayuhang nasa bansa.

Ipinatupad ang pagpapa-deport kay Fox matapos ibasura ng Department of Justice (DoJ) ang apela nito na palawigin pa ang kanyang tourist visa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines