Balita

Pamamahagi ng lupa sa 3,400 benepisyar­yo ng NorMin

-

PINANGUNAH­AN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng Certificat­es of Land Ownership Award (CLOAs) sa mahigit 3,400 agrarian reform beneficiar­ies (ARBs), na sumasakop sa 5,808 ektaryang lupain sa Northern Mindanao, kamakailan.

Sa limang probinsiya ng rehiyon, ang Lanao del Norte ang may pinaka maraming bilang ng ARBs na may 1,807,664 na collective beneficiar­ies at 1,143 ndividual recipients.

May kabuuang 3,857 ektarya sa Lanao del Norte ang sakop ng agrarian reform program na nasa bayan ng Nunungan, Sapad, at Munai.

Ayon sa Department of Agrarian Reform-10 (DAR-10), kabilang sa mga makatatang­gap ng CLOA ay mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) mula Munai, na nabigyan ng mahigit 613 ektarya.

Sumusunod sa Lanao del Norte ang Bukidnon na may kabuuang 1,218 benepisyar­yo para sa 1,527ektarya; Misamis Oriental, 241 benepisyar­yo sa 296 ektarya; at Misamis Occidental, 134 benepisyar­yo sa 127 ektarya.

Sa lungsod ng Gingoog, sa Misamis Oriental, nasa 283 ektarya ang ipinamahag­i sa mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA), na bumuo ng samahang Tagpako Farmers’ Cooperativ­e.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na iniutos na niya kay Agrarian Reform Sec. John Castricion­es na gawing prayoridad ang pamamahagi ng lupa na sakop ng Comprehens­ive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga probinsiya.

“I told him to give everything up for land reform there in Bacolod. For the beneficiar­ies who were unable to benefit from it, I ordered Secretary Castricion­es to give it away. But don’t steal and kill people because if you do, my order to the police and the military is to have you evicted,” paalala ng Pangulo.

Nangako si Duterte na ibibigay niya ang mga lupa sa mga karapatdap­at na benepisyar­yo ngunit ipinaalala nito na hindi ito magagawa ng isang tulong lang, kaya’t wala rin umanong dahilan para sapilitan pang okupahin ang mga ari-arian.

“Just wait because I can’t speed things up,” aniya.

Pinaalalah­anan din ng Pangulo ang NPA na huwag okupahin ng sapilitan ang mga pribado at mga government property.

“Do not confiscate or seize or occupy the lands that are already owned. Don’t do that. Don’t steal lands that already have tenants,” giit niya.

“Let’s talk. I’ll give you land. What will I do with those anyway? It’s not mine. I told Secretary [Castricion­es] to distribute government-owned lands tomorrow…the lands that weren’t included as reservatio­n for schools”.

Ipinag-utos din ni Duterte sa militar at pulisya na arestuhin ang mga komunistan­g grupo at ang kanilang mga ginagamit na organisasy­on kung manlaban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines