Balita

Si Trump bilang sentro ng halalan ng US

-

NAKATUTOK ngayon ang buong mundo sa Estados Unidos para sa dalawang malaking rason.

Una, araw ngayon ng hahalan sa US. Pagbobotoh­an ng Amerika ang lahat ng 435 posisyon sa House of Representa­tives, 35 sa 100 miyembro ng Senado, at mga gobernador para sa 50 estado ng bansa.

Ikalawa, ang lumalaking daloy ng mga tao na naglalakad mula Honduras at sa ibang estado ng Central America, pa-hilaga sa Mexico, patungong US para sa pag-asang makahanap ng bagong buhay bilang mga migrante, ngunit aabutan nila ang nasa 15,000 tropa ng US na humaharang sa kanilang daan sa US-Mexico border.

Naging magkaugnay ang dalawa, na naging isang malaking istorya, lalo’t ang caravan ng mahihirap na taong naglalakba­y patungo sa hilaga sa Texas ang ngayong sentro ng malawakang kampanya ni President Donald Trump upang makuha ang suporta ng mga Amerikanon­g botante para sa kanyang Republican party.

Nasa 1,000 milya mula sa hangganan ang nangunguna­ng grupo ng nasa 4,000 katao nitong Huwebes, habang ang ilang iba pang grupo na tinatayang nasa 1,200 katao ay patuloy na naglalakad milya-milyang layo mula sa kanila. Nilisan nila ang kanilang mga tahanan at komumidad sa South at Central America. Marami sa kanila ang buong pamilya kasama ang mga bata at mga apo, walang kasiguradu­han sa kanilang sasapitin ngunit determinad­ong subukan ang anumang paraan.

Sa mga nakalipas na araw, malakas na inihahayag ni President Trump ang kanyang intensiyon na pigilan ang mga ito hanggat maaari. Nitong nakaraang linggo, sinabi ng mga opisyal na nasa 800 hanggang 1,000 tropa ang maaaring ipadala sa border. Nagdagdaga­n ang bilang sa 5,000 makalipas ang ilang araw. Sa isang punto sinabi ng Pentagon na nasa 7,000 tropa ang ipinadala ngunit nitong nagdaang Linggo, sinabi mismo ni President Trump na maaaring umabot sa 15,000 ang bilang ng ipapadala.

Itinanggi ni President Trump ang akusasyon ng oposisyon hinggil sa “fearmonger­ing” umano ni Trump para makuha ang suporta ng mga Amerikano sa kanyang Republican sa halalan. Itinanggi rin ng kanyang Defense Secretary Jim Mattis ang balitang ginagamit ang militar ng US sa pulitikal na dahilan.

Pinaniniwa­laan na ang tumitindin­g mga retorika ni Trump laban sa mga parating na mga migrante sa Timog ay pinatitind­i ng mga balitang parami nang paraming Democrats kumpara sa Republican ang kumikilos para sa midterm election sa gitna ng lumalagong protesta laban sa marami niyang mga desisyon at aksiyon.

Pinakabago nga sa mga ito ang deklarasyo­n ni Trump na pipigilan niyang maideklara­ng mga US citizen ang mga anak ng mga ilegal na migranteng ipinangana­k sa US, bagamat sa 14th Amendment ng US Constituti­on na inaprubaha­n matapos ng digmaang sibil, pinagkakal­ooban ng citizenshi­p ang sinumang ipinangana­k sa lupain ng Amerika. (Maraming Pilipinong pamilya na dating nanirahan at nagtrabaho sa US ang may mga anak na may US citizenshi­p dahil doon sila ipinangana­k).

Isa itong legal na isyung mangangail­angan ng mahabang panahon para maresolba, ngunit mapakikina­bangan ito bilang bahagi ng kampanya ni Trump sa halalan. Ang kanyang pamumuno malaking kaibahan sa kanyang mga sinundan, ito man ay Democrat o Republican. Pipili ngayon ang mga Amerikano ng kanilang mga senador, mambabatas, at gobernador, ngunit ang tunay nilang pagbobotoh­an ay si President Trump, ang kanyang polisiya, ang kanyang administra­syon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines