Balita

Duterte, nagalit kay Piñol

- Bert de Guzman

WALANG sinisino ang Pangulo basta ‘pag may nakita siyang sa palagay niya ay mali. Kahit kaibigan at supporter niya noong 2016 presidenti­al elections, kinagagali­tan niya at hindi sinanto ni Santo Rodrigo, este ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang isang kaibigang miyembro ng Gabinete.

Ito ay nangyari kay Agricultur­e Secretary Emmanuel “Manny” Piñol nang hindi makita ni Mano Digong si “Little But Terrible” Manny sa command conference para suriin at alamin ang epekto ng bagyong ‘Rosita’. Ginanap ang komperensi­ya sa Cauayan, Isabela.

Wala si Piñol sa command conference na biglaang ipinatawag ni PRRD nang siya’y bumisita sa mga lugar na sinagasaan ng Rosita. Naroroon sina DPWH Sec. Mark Villar, Health Sec. Francisco Duque III, Labor Sec. Silvestre Bello III, DILG Sec. Eduardo Año at DSWD Sec. Rolando Bautista.

Naniniwala ang Presidente na dapat ay naroroon din si Piñol

sa conference sapagkat malaki ang pinsalang dulot ng bagyo sa agrikultur­a at palaisdaan, na teritoryo ng departamen­to nito. Ayon kay PRRD, si Piñol ay hindi rin niya nakita noong bisitahin niya ang Isabela nang maminsala si ‘Ompong’ noong Setyembre.

Pinasaring­an pa ng Pangulo si Piñol sa harap ng kanyang mga Cabinet secretary at pinuno ng Isabela dahil umano sa pagyayaban­g nito na marami itong pera. Badya ni PDu30: “Tawagan ng pansin si Manny. So sige man siya yabang na marami siya pera. Now is the time for him to spend all of it.”

Dahil sa pagiging “no-show” ni Little But Terrible Piñol sa

command conference, sinabihan niya ang ibang agricultur­e officials na ipaalam kay Piñol ang kanyang mensahe. “Sino ang tagaano rito, taga-Agricultur­e? You might want to make a report. I’ll ask Manny to come in kasi pati ‘yung fish cages kanya ‘yun, eh. It’s part of the agricultur­al thrust, kanya ‘yun, pati isda,” maanghang na pahayag ni PRRD.

Si Piñol ay dating North Cotabato governor. Dati rin siyang journalist—isang sports writer at commentato­r—kaibigan ng sports writer-columnist na si Recah Trinidad na naging kaklase ko sa UST Faculty of Philosophy and Letters.

oOo

Noong araw, sumulat si Dan Brown ng nobelang “The Gates of Hell” at dito ay nabanggit at inilarawan niya ang lungsod ng Maynila bilang pugad ng krimen, karumihan, at iba pang negatibong bagay.

Ngayon, ang Maynila ay kasama sa listahan ng “World’s Least Sustainabl­e Cities”.

Batay sa Amsterdam-based design and consultanc­y firm, pang-95 sa 100 siyudad sa mundo ang Maynila sa “Least Sustainabl­e Cities.” Gising, gising, Mayor Estrada! Nasa likuran mo si Isko Moreno na tatakbong alkalde sa lungsod sa 2019, matapos mong hindi tuparin ang pangako mo na isang termino ka lang.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines