Balita

Arjo at Maine, naging ‘officially on’ sa Bali?

- Reggee Bonoan

FOR the nth time, break o hiwalay na sina Arjo Atayde at ang ex-girlfriend niyang si Sammie Rimando, na miyembro ng

Girltrends, bago nakipagdat­e ang aktor kay Maine Mendoza.

Kung tama ang tanda namin ay dalawang buwan ang nakalipas bago nagpacute ang Kapamilya actor sa Kapuso actress, for the record po ‘yan.

Kaya namin ito sinulat muli ay dahil bina-bash to the maximum level si Arjo, na sinaktan daw niya si Sammie at kung anu-ano pa, at kesyo hindi naman siya seryoso kay Maine.

Matitindi rin ang pinagsasab­i kay Maine ng mga supporters nila ni Alden Richards,

ang AlDub Nation. Buti na lang at dinededma sila ng aktres, dahil alam naman nito kung ano ang totoo.

Kaarawan ni Arjo kahapon at Nobyembre 3 ay lumipad na siya kasama ang mga kaibigan, pinsan at kapatid patungong Bali. Totoong magkasama sila ni Maine roon pero hindi magkasama ng flight, dahil umiba ng oras ang dalaga para hindi sila makita at para raw iiwas siya sa bashers.

Pero hindi rin naiwasan, dahil nagkalat ang mga litrato nila sa social media na hindi malaman kung sinu-sino ang mga nag-post, at patunay lang ito na gusto rin marahil ng kampo ni Maine ang aktor, dahil hindi naman naka-private ang Instagram accounts nila.

Kung tama ang pagkakatan­da namin ay matagal nang plano ni Maine na salubungin ang kaarawan ni Arjo sa Bali. May caption pa ang nagpadala ng litrato: “They’re now officially ON.”

Kaya sa bashers nina Arjo at Maine, sana irespeto ninyo kung ano ang pribado nilang buhay, dahil may karapatan din naman silang pumili ng kanilang mamahalin at hindi sila puwedeng diktahan.

As of this writing ay wala kaming komunikasy­on pa kay Arjo, dahil hindi niya sinasagot ang mga mensahe namin.

Imposible namang walang signal, eh nakakapag-post nga ‘yung mga kasama nila ng mga litrato nila sa IG?

Well, hintayin na lang natin kung sa pagbabalik nila sa ‘Pinas ay aamin na sila o iiwas pa rin sila sa press.

 ??  ?? Maine Arjo
Maine Arjo
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines