Balita

Claire Castro, idol si Marian

-

MAINIT ang naging pagtanggap ng GMA Artist Center kay Claire Castro, ang pinakabago­ng showbiz royalty, na opisyal nang contract star ng Kapuso network ngayon.

Kasama ni Claire sa contract signing sina GMA Assistant Vice President for Talent Imaging and Marketing Simoun S. Ferrer, Senior Talent Manager Tracy Garcia, at ang ama at co-manager niyang si Diego Castro.

Si Claire ay anak ni Diego sa kapwa dating TGIS star na si Raven Villanueva.

Sinabi ni Claire na matagal na niyang hilig ang pag-arte, at pangarap niyang gumanap sa mga karakter na bibihag sa puso ng mga manonood. Aniya, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang isa sa mga iniidolo niya. “I’ve always looked up to Ms. Marian ever since I was a kid. I remember doing her iconic Marimar role in front of the mirror, and now that I’m officially a Kapuso, I can’t wait to meet her,” kuwento ni Claire.

Sinabi naman ni Diego na malaki ang tiwala niya sa anak.

“On her own alam na niya ang gagawin, since bata pa lang, she’s been exposed to showbiz,” sabi ni Diego.

“I guess the best tip I can give her is humility, kasi no matter how pretty or talented you are, kung wala kang humility babagsak ka nang mabilis.”

Inamin naman ng bagong Kapuso star na ramdam pa rin niya ang kaba sa pagtahak niya sa showbiz.

“I’m still nervous, but more than that, I feel excited that I’m finally going to do what I love. I am willing to learn everything and I trust my management to guide me through it,” sabi ni Claire.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines