Balita

Camila Cabello, big winner sa MTV Europe awards

-

TOP winner ang American singer na si Camila Cabello sa MTV Music Awards nitong Linggo, matapos niyang iuwi ang Best Song award para sa hit niyang Havana, bukod pa sa Best Artist, Best Video, at Best US/ Worldwide Act awards.

“This year has been the best of my life,” pahayag ng 21-anyos na Cuban native sa event, na ginanap sa Bilbao, northern Spain.

Gamit ang rendition ng kanyang Havana, binuksan ni Camila ang show, na hosted ng American actress-singer na si Hailee Steinfeld. Nito lang Agosto ay naiuwi rin ng Never Be The Same singer ang Artist of the Year at Video of the Year sa MTV Video Music Awards, matapos manguna sa US charts noong Enero ang kanyang self-titled album.

Umabot na sa 1.3 billion ang hits sa YouTube ng audio version ng Havana, kung saan nakasama niya ang rapper na si Young Thug.

Kinilala rin ang dating miyembro ng Fifth Harmony bilang Best Pop Artist noong nakaraang taon sa MTV EMA.

Nakakuha ng six nomination­s si Camila, habang lima ang nomination ni Ariana Grande at ng rapper na si Post Malone, samantalan­g tig-apat naman ang Canadian artist na si Drake, at si Dua Lipa ng Britain.

Wagi naman ng Best Hiphop Artist at Best Look awards ang US rapper na si Nicki Minaj, habang nasungkit naman ng Little Mix ang Best U.K at Ireland Act.

Best Pop Artist ang New Rules star na si Dua Lipa, habang ang US group na Panic! at the Disco ang nagwagi ng Best Alternativ­e Artist, at si Marshmello ang Best Electro Artist.

Winner din ang Canadian singer na si Shawn Mendes ng Best Live Artist, na dati na niyang napanaluna­n.

Kinilala naman ang US veteran na si Janet Jackson bilang Global Icon, ang titulong una nang iginawad sa mga bandang U2 at Queen, at kina Whitney Houston at Eminem.

Itinatag noong 1994, ang MTV EMA ang isa sa dalawang major shows na inoorganis­a ng MTV, kasama ng Video Music Awards US.

 ??  ?? Camila
Camila

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines