Balita

Demi Lovato, lumabas na sa rehab

-

MATAPOS makumpleto ang tatlongbuw­ang drug treatment program, lumabas na ng rehab ang singer na si Demi Lovato, ulat ng Cover Media. Kinailanga­ng pumasok sa rehab ng Confident hitmaker matapos siyang makaranas ng near-fatal drug overdose sa kanyang bahay sa Hollywood Hills noong Hulyo, at kamakailan nga ay inamin ng kanyang ina na 90 days nang sober ang 26-anyos na singer.

Ngayon, unti-unti nang nagbabalik sa kanyang social life si Demi. Nitong Sabado, kasama niyang lumabas para sa isang dinner ang fashion designer na si Henry Levy, sa isang sushi restaurant Matsuhisa sa Beverly Hills.

Sa ulat ng TMZ.com, mapapansin­g masaya at healthy ang singer. Sampung araw na naospital ang Heart Attack star noong Hulyo 24, bago siya pumasok sa isang drug facility sa East Coast ng America. Napabalita­ng lumipat siya sa panibagong rehabilita­tion centre nitong summer.

Isinapubli­ko ni Demi ang kanyang mga pinagdaana­n sa alcohol at drugs, depression, eating disorders, at selfharmin­g. Hunyo ngayong taon nang inamin ng Camp Rock star ang kanyang pinagdadaa­nan sa pamamagita­n ng kanyang single na Sober.

At pagsapit ng Agosto, matapos niyang kanselahin ang natitirang shows sa kanyang world tour para sa kanyang recovery, naglabas ng pahayag ang American singeractr­ess sa pamamagita­n ng social media, kung saan niya ipinangako “[to] keep fighting” kasama ng pasasalama­t sa kanyang pamilya, mga kaibigan, fans at mga medical staff.

“The love you have all shown me will never be forgotten and I look forward to the day where I can say I came out on the other side,” sabi ni Demi. “I will keep fighting.”

 ??  ?? Demi
Demi
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines