Balita

Nagkulong sa tent kasama ang 200 halaman

- OC

Isang self-described “whimsical scientist” ang nagkulong ng kanyang sarili sa isang maliit na “air-tight plastic foil tent” kasama ng nasa 200 halaman, upang malaman kung kaya ng mga halaman na mai-convert ang CO2 sa oxygen “fast enough to keep him alive.”

Ikinulong ni Kurtis Baute ang kanyang sarili sa isang 3m by 3m plastic-wrapped biodome sa bakuran ng kanyang kapatid sa British Columbia, Canada, nitong nakaraang linggo, bagamat inihayag niya noong Agosto ang mapanganib na plano sa kanyang YouTube fans.

Umaasa siyang matutuklas­an kung sa pamamagita­n ng mga halamang nakapaligi­d sa kanya ay magagawa ng mga ito na maiconvert ang kanyang inilalabas na CO2 para maging oxygen upang maka-survive siya sa selyadong tent sa loob ng tatlong araw.

Ngunit 15 oras pa lamang ang nakalilipa­s ng simulan niya ang kanyang eksperimen­to ay inihinto na niya ito nang umabot na sa ang CO2 level sa “dangerous point” kung saan maaari siyang magkaroon ng brain damage o ma-coma.

“I could probably survive in the jar three days,” saad ni Baute. “But my goal is not to just ‘not die’, my goal is to end this project without having turned blue, developed brain damage, gotten heat stroke, or just generally caused lasting harm to my body.”

Bagamat, hindi niya naabot ang tatlong araw na eksperimen­to. Tinawag pa rin niyang “huge success” ito, sa pagsasabin­g ang kanyang goal “was actually the devastatin­g effects of climate change and CO2 emissions.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines