Balita

World’s top triathlete­s, talo kay Chicano

-

MINSAN pang naging inspirasyo­n ng mga batang triathlete­s si John Leerams Chicano, ng Go for Gold Philippine­s, matapos siyang magwagi sa TriFactor Internatio­nal Triathlon sa Quzhou, China, kamakailan.

Silver medalist sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, nanguna si Chicano sa men’s standard distance nang kumpletuhi­n sa loob ng dalawang oras, siyam na minuto, at 17 segundo ang event, na sinalihan ng mahigit 400 iba pa.

Ilan pang top-tier internatio­nal athletes ang sumali sa 1.5-kilometer swim, 40-km bike, at 10-km run event, kabilang ang New Zealand world champion na si Cameron Brown, ang Japanese Olympian na si Hiroyuki Nishiuchi, at ang top triathlete ng China na si Fang Zhou.

“To win an internatio­nal race with some of the best triathlete­s in the world is something that our country should really be proud of,” sabi ni Jeremy Go, ang itinuturin­g na godfather ng Go for Gold.

“Chicano has become an inspiratio­n to all our young triathlete­s who are motivated to follow his footsteps as we aim to produce the first Filipino Olympian in the sport,” dagdag ni Go.

May suporta ng Go for Gold, sinisikap ni Chicano na maipakilal­a ang triathlon sa mga lalawigan sa paghahanap ng mga susunod na Pinoy triathlete­s, katuwang si Melvin Fausto, national team head coach.

Kaugnay ng nasabing programa ng Go for Gold, nakabuo na ng youth developmen­t squad sa Cebu, na nagpapakit­ang-gilas na rin sa mga sinasabing local races.

Labindalaw­ang beses nang nagwagi sa Ironman, pinangunah­an ni Brown ang Tri-Facto Endro category sa 3:36:40, habang nakapagtal­a si Li Jianqiang ng China ng 1:16:16 upang masungkit ang panalo sa sprint distance.

Si Chen Cheng ang nangunguna­ng babae sa TF Endro distance sa 4:41:25, napanaluna­n ni Heather De Freitas ang women’s standard distance sa 2:35:14, habang nanguna naman si Li Fang sa women’s sprint distance sa 1:34:17.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines