Balita

Torres, umarangkad­a sa Seniors tilt

-

TAGAYTAY CITY – Magaan na panalo ang naitala ni Grandmaste­r Eugene Torre sa kanyang ika-67 kaarawan, sapat para ilunsad ang kampanya na maidepensa ang korona sa matikas na panimula nitong Linggo sa opening day kontra Angelito Camer, ng Australia, sa 9th Asian Seniors Chess Championsh­ips sa Tagaytay Internatio­nal Convention Center dito.

Binansagan­g “Poster Boy” ng Philippine chess noong dekada ‘70 nang tanghalin siya bilang unang Asian na naging Grandmaste­r, magaan na pinasuko ni Torre ang karibal sa ika-19 na suong ng London opening.

“It’s a good win. Magandang simula ito para sa akin,” pahayag ni Torre, coach ng Philippine Team, na tumapos sa ika-38 puwesto sa nakalipas na Chess Olympiad.

Masayang nagdiwang ang Philippine delegation at bawat isa sa mga kalahok ay nagbigay ng pagbati kay Torres, kabilang ang matagal na niyang kasangga sa RP team na si Judge Rosendo Bendal.

Magtututos ang dalawa sa second round matapos magwagi ni Bendal kay Kian Hwa Lim, ng Malaysia.

“Magandang laban ‘yan, Torre versus Bandal,” sambit ni dating FIDE executive director Toti Abundo, na magsasagaw­a ng FIDE Seminar bukas, Nobyembre 7.

Nagbigay din ng pagbati sina Tagaytay City 7th District Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, at Tagaytay Mayor Agnes Tolentino, gayundin sina IM Angelo Young, IM Petronio Roca, IM Chito Garma, Cesar Caturla, Carlo Lorena, Efren Bafamasbad, at Adrian Pacis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines