Balita

Perlas Spikers angat sa Lady Falcons

- Marivic Awitan

Ganap na pinagbakas­yon ng BanKo Perlas ang AdamsonAka­ri nang pataubin ng Perlas Spikers ang Lady Falcons, 2517, 25-17, 15-18, para okupahin ang solong ikalawang puwesto sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference noong Linggo ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Ang panalo ang ikalawang sunod ng BanKo Perlas kasunod ng naging panalo nila kontra Iriga-Navy noong Oktubre 24.

Sa isa pang laro, nakahakban­g palapit ang Motolite-Ateneo papasok ng semifinals matapos manaig kontra Iriga-Navy.

Pinatatag ng Lady Eagles ang kapit nila sa liderato makaraang igupo ang Lady Oragons, 25-17, 25-19, 25-22.

Nagsanib puwersa ang mga beteranang manlalaro na sina Kathy Bersola, Nicole Tiamzon, Dzi Gervacio at Joy Dacoron para pangunahan ang Perlas Spikers.”

Malaking bagay nga para sa team namin na nakapahing­a kahit papaano kasi nakakuha ng energy,” ani Banko Perlas coach Ariel Dela Cruz.

“Siguro mababa rin lang ‘yung morale ng Adamson dahil nga sa record nila, so advantage yun sa amin na kailangan talaga ‘yung bawat panalo,” dagdag nito.

Nagtapos na topscorers para sa Perlas Spikers sins Bersola at Gervacio na nagtala ng 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasun­od.

Nanguna naman si rookie Vanie Gandler para sa panalo ng Lady Eagles na isang panalo na lamang kailangan upang tuluyang umusad sa semis, sa itinala nitong 12 puntos.

“I didn’t expect this at all. When we joined this tournament, we wanted experience. We want them to learn the new system na hindi ganoong kadali,” pahayag ni Lady Eagles mentor Oliver Almadro.“Siguro, what I’m really teaching them is the attitude and trusting each other and the system.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines