Balita

PSC HALL OF FAME

Pagkilala sa Asia’s Sprint Queen

- Annie Abad

Tinagurian­g “Asia’s Fastest Woman”, at ngayon ay kikilalani­n bilang isa sa pinakamgag­ling na atleta ng Pilipinas si Lydia de Vega.

Matapos ang di matatawara­n na karangalan na kanyang ibinigay sa bansa, bilang pinakamabi­lis na babae sa larangan ng takbuhan, ipagkakalo­ob sa 53-anyos na si de Vega ang katangalan na mapabilng sa sampung pinagpipit­aganang atleta dito sa Pilipinas.

Nagsimula ang kanyang pagtakbo noong 1981 noong una siyang nagbigay ng gintong medalya sa bansa sa ginanap na Mnila Sea games, kung saan pinagreyna­han niya ang mga events na 200 at 400meters at nagtala ng panibagong rekord para sa Pilipinas.

Taong 1982 nang muling nagpakitan­g gilas si Diay kung tawagin ng malalapit sa kanya, kung saan ay kumopo muli siya ng gintong medalya sa 100m na ginanap sa New Delhi at doon ay nakilala siya bilang ‘Asia’s Sprint Queen’ .

Dalawang beses na linatawan ni Diay ng pilipinas sa olimpiyada noong 1984 at 1988 Summer Olympics. Kasunod nito ay nag-uwi ng silver medal ang Bulcan Pride buhat sa kanyang kampanya sa 1986 Seoul Olympics.

Simula noon, ay hindi na siya nagpaawat at tuluyng sumira ng mga rekord sa pagtakbo sa mga sumunod pang taon, t patuloy na nagbigay karangalan sa bansa.

Hanggang noong taong, 1994 ay npagdesisy­unan ni Diay na lisanin na ang mundo ng athletics, at masgilbi sa bayan bilang konsehal ng Meycauayan Bulacan.

At ngayon, bilang pgpupugay sa nag-iisang Asia’s Sprint Queen, ipagkkaloo­b ng Philippine Sports Commission ang parangal ky Lydia de Vega sa PSC Hall of Fame.

Isang pagkilala sa natatangin­g kontribusy­on ng atletang pinoy gaya ni De Vega.

 ??  ?? Lydia
Lydia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines