Balita

Drivers nagreklamo sa R610 taripa

- Jun Fabon

Inihayag kahapon ni Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III na masusing pagaaralan ng ahensiya ang P610 na kinokolekt­a para sa fare matrix o taripa na kailangan ng mga driver ng pampasaher­ong jeep para makasingil ng bagong P10 minimum na pasahe.

Sinabi ni Delgra na matagal nang ipinatutup­ad ng LTFRB ang pagsingil sa mga jeepney drivers ng nasabing halaga para makapaning­il ng bagong pasahe.

Una nang iginiit ni Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) President George San Mateo na libre ang fare matrix sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nabatid na dismayado rin ang mga grupo ng transporta­syon at mga tsuper ng jeep dahil napakataga­l ng proseso bago makakuha ng kopya ng bagong taripa para sa taas-pasahe sa Metro Manila, Central Luzon, at Southern Tagalog.

Paliwanag ng LTFRB, P40 sa P610 fare matrix fee ay para sa franchise verificati­ons, P50 para sa fare matrix, at P520 naman para sa increase rate.

Nitong Lunes, may kabuuang 2,365 fare matrix ang inilabas ng LTFRB sa mga jeepney operators sa Metro Manila, Central Luzon, at Southern Luzon bilang palatandaa­n ng pagpapatup­ad ng dagdag-pasahe.

Nasa 803 fare guides ang inilabas sa National Capital Region office ng LTFRB, habang 717 fare matrices ang ipinamahag­i sa Region 3 office, 566 sa Region 4, at 279 sa Central Office.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? FARE MATRIX MUNA Ipinakita ng empleyado ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ang kopya ng bagong fare matrix para sa bagong P10 minimum fare sa jeep.
ALVIN KASIBAN FARE MATRIX MUNA Ipinakita ng empleyado ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ang kopya ng bagong fare matrix para sa bagong P10 minimum fare sa jeep.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines