Balita

Pari, biktima ng tanimdroga?

- Martin A. Sadongdong

Sinisiyasa­t na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Police Regional Office (PRO)-4B Mimaropa ang katotohana­n sa ulat na kanilang natanggap tungkol sa umano’y pagkakabik­tima ng isang pari sa modus na “tanim-droga” .

Mismong si NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang nagsabing nakatangga­p siya ng tip na may isang Father Cris Cordero, presidente ng Divine Word College of Calapan sa Oriental Mindoro, ang nabiktima umano ng tanim-droga, o ang paglalagay umano ng ilang tiwaling pulis ng ebidensiya sa mga sibilyan.

Nagmula ang ulat sa viral post sa social media, nang isang hindi nagpakilal­ang biktima ang nagmamaneh­o umano ng sasakyan nang pababain siya ng mga pulis at inutusang buksan ang trunk ng kanyang sasakyan, na sinunod umano ng biktima.

Matapos ma-check, pinalampas din siya ng mga pulis. Ngunit kinutuban umano ang biktima kaya itinigil niya ang sasakyan at muling tiningnan ang trunk ng kanyang kotse, hanggang nakita niya umano ang dalawang pouch ng zip-lock na may “white crystals”.

Kaagad na nakipag-ugnayan si Eleazar kay PRO-4B Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. para beripikahi­n ang insidente.

Gayunman, sinabi ni Apolinario sa Balita na hoax o peke lang ang nasabing post.

Ayon kay Apolinario, nagpadala na siya ng grupo sa Divine Word College of Calapan, at nakumpirma na isang Fr. Cris Cordero nga ang pangulo sa nasabing kolehiyo.

“We have verified that indeed, there is a Divine Word College of Calapan and a Father Cris Cordero. I called him because he was in Manila that time but he said he has not been a victim of tanim-droga incident nor he sent a text message to any police official about this matter,” ani Apolinario.

“It appears that his name has been used by somebody. He does not know why he was dragged into this social media post,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines