Balita

Manila Police District officials, binalasa

- Mary Ann Santiago

Nauwi sa balasahan ng ilang matataas na opisyal ng Manila Police District (MPD) ang ipinataw na suspensiyo­n sa isang station commander nito.

Nabatid na si MPD-Sampaloc Police Station (PS-4) commander, Police Supt. Andrew Aguirre, na pinatawan ng 90-day suspension dahil sa kasong kinakahara­p noong nasa Nueva Ecija pa siya, ay pinalitan ni Malate Police Station (PS-9) commander, Police Supt. Robert Domingo.

Paglilinaw ni Police Senior Supt. Danilo Macerin, hepe ng directoria­l staff ng MPD, ang suspensiyo­n ni Aguirre ay walang kinalaman sa kasong rape na kinakahara­p ng kanyang tauhan na si PO1 Edgardo Valencia, na inakusahan ng panggahasa sa isang 15-anyos na babae, kapalit umano ng kalayaan ng kanyang magulang na unang inaresto dahil sa drug charges.

Si Domingo ay pinalitan ni MPDIntelli­gence and Detective Management (DIDM) chief, Police Supt. Bobby Glenn Ganipac, habang si Police Supt. Carlito Grijaldo, na dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), ang magiging bagong hepe ng DIDM.

Una nang nasibak si MPD-PS-1 anti-crime unit, Police Chief Insp. Manny Israel, na superior ni PO1 Redentor Bautista, na sinibak na rin matapos na mahuling gumagamit ng cocaine sa loob ng palikuran ng isang bar sa Taguig.

Si Israel, na pinalitan ni Police Insp. Agapito Yadao, ay inilagay din muna sa DAHU hanggang sa matapos ang imbestigas­yon sa kaso.

Kasalukuya­n umanong naka-leave si MPD director, Police Chief Supt. Rolando Anduyan, kaya nagsisilbi bilang officer-in-charge (OIC) ng MPD si second in command Police Senior Supt. Marcelino Pedroso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines