Balita

3 sa drugs watch list, timbog

- Bella Gamotea

Arestado ang tatlong lalaki, na kabilang sa drugs watch list ng Makati City Police, sa buy-bust operation sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng pulisya, ang mga naaresto na sina Junbel Golez y Gregorio, 34, Grab driver, ng Bagong Silang Street, Barangay Pinagbuhat­an, Pasig City; Homer Kalaw y Guevarra, 47, ng Jerboys St., Bgy. Guadalupe Nuevo, Makati City; at Larry Johnson y Bañaga, 49, ng 105 Road Valley Gold Subdivisio­n, Cainta, Rizal.

Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drugs Enforcemen­t unit (SDEU) laban kina alyas Junbel at Homer sa No. 2782 Ensuenio St., Bgy Pinagkaisa­han, Guadalupe, sa Makati City, dakong 6:15 ng gabi.

Unang nakatangga­p ng text message ang Makati PNP mula sa Team NCRPO kaugnay ng talamak na aktibidad sa ilegal na droga sa Guadalupe, partikular sa mga jeepney terminal sa Pinagkaisa­han sa lungsod, kaya nagkasa ng operasyon ang SDEU.

Isang pulis ang nagsilbing poseurbuye­r at bumili ng P500 halaga ng droga sa mga suspek na sanhi ng kanilang pagkakaare­sto.

Nakumpiska kina Golez, Kalaw at Johnson ang 11 pakete ng umano’y shabu, drug parapherna­lia at limang piraso ng P100 bills na buy-bust money.

Sa imbestigas­yon, unang naaresto ang suspek na si Golez at sinampahan ng kasong possession of illegal drugs sa Makati Prosecutor’s Office, subalit nakapagpiy­ansa.

Samantalan­g sina Kalaw at Johnson ay nagsu-supply umano ng droga sa jeepney terminals sa Guadalupe.

Naghihimas ng rehas ang mga suspek at isasailali­m sa inquest proceeding­s para sa kasong paglabag sa Sections 5, 13 at 14 ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines