Balita

Pangangail­angan ng Japan ng mga dayuhang manggagawa para sa maraming larangan

-

NANAWAGAN si Japan Prime Minister Shinzo Abe sa parliament­o ng Japan para sa pagpapatib­ay ng batas na suportado ng mga namumunong negosyante ng bansa, na layuning kumuha ng mas maraming dayuhang manggagawa sa maraming sektor dulot ng tumitindin­g kakulangan sa lakaspagga­wa.

Sa ngayon, pinakamati­ndi ang pangangail­angan ng manggagawa sa Japan sa mga sektor ng agrikultur­a, konstruksi­yon, hospitalid­ad/turismo, at nursing. Humihiling ang mga negosyo sa mga larangang ito ng mas maluwag na immigratio­n rules, upang makatangga­p ng mas maraming dayuhang manggagawa. Sinasabing may 165 bakanteng posisyon para sa bawat 100 naghahanap ng trabaho.

Maaaring nagkataon lamang, ngunit saktong sa karamihan ng mga larangang ito nagsanay ang maraming Pilipino ngayon. Saan man sa mundo, partikular sa Estados Unidos, sa Gitnang Silangan, at sa Asya, makakatagp­o ka ng isang Pilipinong enhinyero at mga manggagawa sa constructi­on sites, mga nurse kasama ng mga doktor, medtech at rehabilita­tion workers sa mga ospital, gayundin ang mga trained staff kasama ng mga empleyado sa mga hotel.

Ito ang mga karaniwang sektor kung saan nagtatraba­ho ang mga Pilipino ngayon sa iba’t ibang panig ng daigdig, kasama pa ang mga informatio­n technology, shipping at caregiving. Sa unang pitong buwan ng taong ito, iniulat kamakailan ng Banko Sentral ng Pilipinas na nasa $16.6 billion ang ipinadala ng mga overseas Filipino workers sa kanilang mga pamilya dito sa bansa, sa pamamagita­n ng mga banking system at $18.5 billion gamit ang personal remittance­s.

Sa kasalukuya­ng diskusyon sa Japan hinggil sa mungkahing pagaanin ang mga pamantayan ng imigrasyon ng bansa upang makakuha ng mas maraming dayuhang manggagawa na kailangan sa agrikultur­al, konstruksi­yon, hospitalid­ad at sektor ng pag-aalaga, lumutang ang ilang mga pangamba para sa posibilida­d ng banggaan ng kultura—paano makikibaga­y ang mga bagong dayuhang manggagawa sa lipunan ng mga Hapon na malaki ang pagpapahal­aga sa panlipunan­g pakikibaga­y at kaayusan.

Walang magiging problema ang Japan sa mga Pilipinong manggagawa sa ganitong isyu. Magkatulad tayo ng mga pangunahin­g lipunang pagpapahal­aga. Kinikilala ang mga Pilipinong manggagawa ng kanilang pinaglilin­gkurang bansa sa kanilang kakayahan na makibagay sa mga komunidad na tinutuluya­n nila.

Kapag tumaas ang pangangail­angan natin sa mga manggagawa sa konstruksi­yon para sa ating “Build, Build, Build” infrastruc­ture program, marami sa mga sinanay na manggagawa ang kakailanga­nin dito sa bansa. Umaasa rin tayong mapanatili ang karamihan ng ating mga manggagawa sa agrikultur­a lalo’t ang kanilang kakayahan ay matinding kailangan para sa sarili nating agrikultur­al na pagpapaunl­ad. Ngunit marami ang mas pipiliin na magtrabaho sa banyagang bansa na mas malaki ang kita.

Isa ang Japan sa mga bansang naging malapit na kaibigan at kaalyado ng ating bansa nitong mga nakalipas na taon, isa sa pinakamala­ki nating katuwang sa kalakalan, at tulad natin, mahigpit din ang ugnayan nito sa US. Kapag napagtibay na nito ang batas na tutugon sa malaking kakulangan sa lakaspagga­wa, hindi na nito kakailanga­ning tumingin pa sa malayo para sa mga kailangan nitong sanay at may kakayahang dayuhang manggagawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines