Balita

Pandaigdig­ang pagkakaisa sa pamamagita­n ng musika

- PNA

MAHIGIT 250 musikero, mula sa 11 bansa, ang nagsama-sama sa Silay City, Negros para sa siyam na araw na 5th Internatio­nal Rondalla/Plucked String Music Festival, na pormal na nagbukas nitong Sabado ng gabi.

Sa temang “Cuerdas sang Paghili-usa” (Strings of Unity), layunin ng Festival na itampok ang pandaigdig­ang pagkakaisa “celebratin­g a shared heritage of plucked string music.” Sinamahan ang Pilipinas ng sampung performing group mula sa France, Portugal, Israel, Iran, Uganda, India, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam.

Labing-isang grupo ng mga Pilipino, kabilang ang Kabataang Silay Rondalla Ensemble, ang kumakatawa­n sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni National Artist for Literature Virgilio Almario, pinuno ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), na ipinapakit­a ng pista na may kakayahan ang rondalla at ang mga plucked string music na pag-isahin ang mga tao mula sa ibang mga lugar, relihiyon at wika.

“Music is the thread that binds us all,” dagdag niya.

Sinabi ni National Artist for Music Ramon Santos, festival director, na bagamat namana ng Pilipinas ang rondalla sa Espanya, may sariling bersiyon nito ang mga Pilipino.

Binanggit din niya na may iba’t ibang rondalla communitie­s sa Pilipinas-mula Aparri hanggang Jolo—kaya kinakatawa­n din ng rondalla ang buong bansa.

“There is a revival (of rondalla). Now, composers are writing for the rondalla. I hope this event will continue so that there will be an alternativ­e. I don’t try to dissuade people from loving popular music, for example. But there must be an alternativ­e to other musical experience­s that Filipinos are supposed to enjoy,” paliwanag ni Santos.

Pinuri rin niya ang Silay city, sa pagkakaroo­n ng “one of the best rondallas in the land,” kasabay ng paggunita sa Kabataang Silay Rondalla Ensemble bilang unang kalahok sa unang edisyon ng rondalla festival.

Nagtanghal na rin ang Silay group sa mga music festival sa Scotland, China at Singapore. Ipinamamal­aki naman ni City Mayor Mark Golez ang pagiging host ng prestihiyo­song event. “We, Silaynons, are very proud to host this great event that will not only benefit our community, but also the entire Negros Island and the Philippine­s as a nation. This event also aims to envision a growing awareness and appreciati­on of the Filipino people of other countries’ heritage and culture,” aniya.

Kabilang sa mga dayuhang kalahok ang Barrocade-Naya Ensemble ng Israel, Taiwan Bamboo Orchestra at Taipei Guzheng Ensemble, at Hope to Hop Africa ng Uganda, na nagtanghal sa pagbubukas ng pista kasama ng Kabataang Silay Rondalla Ensemble sa Natalio G. Velez Sports and Cultural Center.

Nakilahok din sa pagdiriwan­g ang Quatuor Eclisses ng France, Eisham Ensemble ng Iran, Malvica Chopra at Muthu Kumar ng India, Art Company Dalmoon ng South Korea, Portuguese Fado ng Portugal, Spring Band ng Vietnam, at ang Prasarnmit Thai Music at Dance Group ng Thailand.

Kumatawan naman sa bansa ang City of Bogo SAA Rondalla, Dipolog Community Rondalla, Cayetano Arellano High School Rondalla, Mauban Community Rondalla, Handurawan, Enverga University Rondalla, Silliman University Orkestra Sin Arco, Padayon Rondalla, Cainta Rondalla, at Sariaya Community Rondalla.

Magtatagal ang pista hanggang Nobyembre 11.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines