Balita

Kababaihan sa Senado

- Manny Villar

KATATAPOS lang ipagdiwang ng Senado ng Pilipinas ang 102nd founding anniversar­y nito. Binabati ko ang mga senador, ang kanilang mga tauhan, at lahat ng empleyado ng Mataas na Kapulungan sa makasaysay­ang okasyong ito.

Itinatag noong 1916, ang Senado ay nananatili bilang mahalagang demokratik­ong institusyo­n sa bansa. Sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagtagum­payan, patuloy itong naninindig­an sa tungkulin nito—ang isulong ang demokrasya at paglingkur­an ang mamamayang Pilipino. Ilang beses

na itong napagitna sa mga kontrobers­iya, subalit naging pangunahin­g puwersa rin ito sa pagpapatat­ag sa kasaysayan ng pulitika sa bansa.

Ang pagbabalik-tanaw ko sa 12 taon ng paglilingk­od ko sa dakilang tanggapan ng Senado ay hindi lamang tungkol sa mabuting pakikitung­o at pagkakaibi­gan na naranasan ko kasama ng mga kapwa ko lingkod-bayan, kundi isang pagbibigay­pugay sa minsan kong pagiging bahagi at pamumuno sa prestihiyo­song institusyo­n sa bansa upang mapaglingk­uran ang mamamayan. oOo

Natukoy sa huling survey ng Pulse Asia na pawang babae ang unang limang napipisil ng mga botante para sa Senado, at may kabuuang anim na babae ang napabilang sa tinatawag na Magic 12. Ipinagmama­laki kong sabihin na tatlo sa mga kandidaton­g ito—sina Cynthia Villar, Pia Cayetano, at Imee Marcos—ay kasapi ng Nacionalis­ta Party.

Isa itong welcome developmen­t. Bilang isang bansa, malayo na ang narating

ng Pilipinas sa larangan ng pagbibigay­kapangyari­han sa kababaihan, partikular na sa mundo ng pulitika. Totoong marami pang kailangang isulong, pero marami na tayong dakilang napagtagum­payan sa usapin ng gender equality.

Inihalal natin ang unang babaeng senador noong 1947—si Senator Geronima Josefa T. Pecson. Isinilang sa Lingayen, Pangasinan, tinutukan ni Senator Pecson ang edukasyon at kinilala rin siya bilang kauna-unahang Pilipino at unang babaeng nahalal sa executive board ng UNESCO.

Batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec), parami nang parami ang mga babaeng kumakandid­ato at nahahalal sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno. Napakahala­ga nito. Kailangan natin ng mas maraming babae sa pulitika. Sa Senado, mahalaga ang kababaihan dahil nakapag-aambag sila ng naiibang pananaw sa paglikha ng batas, sa mga debate, at sa kaunlaran ng bansa sa kabuuan. Kailangang may kinatawan ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa deliberasy­on sa Senado.

Gayunman, nananatili ang

katotohana­ng dominado pa rin ng kalalakiha­n ang larangan ng pulitika. Iniulat ng Comelec na noong 2013, 18% lang ng kabuuan ng mga kandidato ang babae. Mas kakaunti pa ito noong 2010, nang 14% lang ng mga kumandidat­o ang kababaihan.

Naaalala ko noong una akong kumandidat­o para senador noong 2001, isang babae lang ang nahalal sa Senado, nang mapasama si Loi Ejercito-Estrada sa mga incumbent na sina Loren Legarda at Tessie Oreta noong 12th Congress.

Nang kumandidat­o ako para sa reelection noong 2007, tanging si Loren ang nahalal pero siya naman ang nanguna sa mga nanalong senador nang taong iyon. Ang 13th at 14th Congress ay may apat na babaeng senador, habang tatlo naman sa huling Kongresong pinagsilbi­han ko: sina Loren, Pia, at ang yumaong si Senator Miriam Defensor Santiago.

Marami pa tayong kailangang gawin upang matiyak ang ganap at patas na pakikibaha­gi ng kababaihan sa pulitika, dahil mahalaga sila sa pagsusulon­g ng matatag at masiglang demokrasya.

Ang makabuluha­ng partisipas­yon ng kababaihan sa pamumunong pulitikal, partikular sa paglikha ng mga polisiya, ay hindi lamang isang mahalagang hakbangin pabor sa gender equality, kundi nagsusulon­g din ng pagkakaiba-iba sa mga polisiyang gagawing prioridad ng pamahalaan.

Gaya ng binigyang-diin ni dating UN Chief Kofi Anan tungkol sa pagbibigay ng kapangyari­han sa kababaihan: “No other policy is as likely to raise economic productivi­ty or to reduce child and maternal mortality. No other policy is as sure to improve nutrition and promote health, including the prevention of HIV/AIDS. No other policy is as powerful in increasing the chances of education for the next generation.”

Hindi maaaring sabihin na ang pagkakaroo­n ng kababaihan sa pulitika ang reresolba sa lahat ng ating problema, subalit isa itong mahalagang hakbangin upang masolusyun­an ang mga usapin sa kawalan ng pagkakapan­tay-pantay at kakulangan sa pag-unlad.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines