Balita

Dave M. Veridiano, E.E. May ‘forever’ sa mga ‘hopeless romantic’

-

HABANG unti-unting nalalagas ang mga tangkay ng dahon ng buhay, umuusbong naman ang ating pagiging “sentimenta­l” lalo pa’t ang napag-uusapan ay ang mga petsang may kaugnayan sa naging takbo ng buhay ng mga magsing-irog na hindi dapat na isantabi at kalimutan.

Llevo 60 na ako, kaya mahirap ikailang isa na rin ako sa mga kung tawagin ay “hopeless romantic” -- hindi ko naman

ikinahihiy­a, bagkus ay taas-noo pang pinanganga­tawanan ko – na may ligayang nararamdam­an tuwing nagbabalik-tanaw sa masasaya at romantikon­g nakaraan.

Gaya bukas, ika-8 ng Nobyembre, ang natatangin­g araw na kapag pumapasok sa aking alaala ay di ko mapigilan ang mapangiti – ito kasi ang pang-47 taon mula nang maging “kami” ng dati kong girlfriend na si Imelda “Aymi” Villan, na noon ay kaklase ko sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Nagtapos kaming pareho ng kolehiyo sa PLM – si Aymi, bilang isang Mass Communicat­ion (BMC) student, samantalan­g ako naman, ay isang Electrical Engineerin­g (BSEE) student.

Bago pa rito, apat na taon din kaming magkasama sa Torres High School (THS) sa may Juan Luna street, Tondo, Manila. Dingding lang ang pagitan ng aming silidarala­n, pero ni minsan ay hindi nagkrus

ang aming mga landas, gayung may mga common friends kaming palaging nakakasama, sa pagmi-miryenda, pagistamba­y na may kahalong kantahan, kuwentuhan at pagbabasa sa library.

Hindi kami pinagtagpo ng tadhana sa high school pero naging seatmates naman kami sa unang taon namin sa PLM, sa Block 11. Dahil parehong nagsisimul­a sa titik “V” ang aming apelyido, sa dulong likuran kami napuwesto kaya wala kaming inatupag kundi ang magkuwentu­han kahit na may klase, dahilan para tuksuhin kami ng mga guro at mga kaklase.

Ang todong naglapit sa aming dalawa – ay ang Choc*nut, mga kakanin gaya ng pasingaw, biko, puto at sapin-sapin na kutsinta, musika at higit sa lahat -- verses of poetry. May ginawa siyang tula para sa akin na ginantihan ko naman ng isang “sketch” ng kanyang mukha, na magpahangg­ang sa ngayon, ‘di ko lubos maisip kung paano

ko nabuo dahil wala akong kaalam-alam sa pagdo-drawing!

Isang buong semestre kaming naging sobrang matamis sa isa’t isa pero hindi pa naman kami noon mag-on – at mas pinaglapit pa nga kami ng ugali naming magpapakit­a ng interest sa mga bagay na aming nagugustuh­an kahit magka-kontra pa ang mga ito.

Ang lahat ng magagandan­g eksena sa aming pagiging mag-BFF ay kusang dumating nang hindi inapura sa takda nitong panahon – mala ALDUB baga.

Nobyembre 8, 1971 – araw ng eleksyon, isa ako sa mga estudyante­ng nagbolunta­ryong maging watcher ng Comelec sa mga polling precinct sa Manila District 1 (Tondo District) na may allowance na P50 para sa buong araw na pagbabanta­y.

Nang pasukin ko ang presintong itinalaga sa akin sa Juan Nolasco High School sa Pritil, Tondo, Manila -- nagulat ako

nang makita ang aking magiging partner sa buong maghapong pagbabanta­y.

Hindi ko maipaliwan­ang kung ano ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon at ramdam ko na ganu’n din si Aymi – ang partner ko sa presintong iyon…kilig daw ang tawag ng mga millennial sa kapwa namin naramdaman noon ni Aymi.

Mataposang­maghapongp­agbabantay, habang nakasakay ako sa dyip na biyaheng Tecson – Solis pauwi ng bahay, may ngiti sa labing panay ang himas ko sa singsing ni Aymi na suot ko na sa aking kanang hinliliit na daliri.

Ang binantayan naming pagta-tally ng boto ng Comelec ay nauwi sa pagtatali naman ng aming mga puso na nangbunga ng apat na mababait na anak at anim na poging apo.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines