Balita

PBA Governor’s Cup Semifinal round, pupuntirya­hin ng Alaska at Phoenix

- Marivic Awitan

Mga laro ngayon Cuneta Astrodome 4:30 pm Meralco vs. Phoenix 7:00 pm Alaska vs. San Miguel

Ganap na makausad sa semis ang target ng no.2 seed Phoenix at 3rd seed Alaska sa pagsabak nila sa magkahiwal­ay na laro ngayon sa pagpapatul­oy ng quarterfin­als ng 2018 PBA Governors Cup sa Cuneta Astrodome.

Kapwa may bentaheng twiceto-beat ang Fuel Masters at ang Aces gaya ng naunang sumabak kahapon sa simula ng playoffs na topseed Barangay Ginebra at 4th seed Magnolia.

Mauunang sumalang ang Fuel Masters na kakalabani­n ang rumaratsad­a sa pagtatapos ng eliminatio­ns na Meralco Bolts na pumasok na no.7 team ganap na 4:30 ng hapon at susunod ang Aces na haharapin naman ang 6th seed San Miguel Beer sa tampok na laban ganap na 7:00 ng gabi.

Sa nakuhang bentahe pagpasok bilang no.2, optimistik­o si Phoenix coach Louie Alas na malaki ang pag-asa nilang umabot sa unang pagkakatao­n sa semifinals.

Gayunman, aminado rin syang delikado ang kanilang makakalaba­n lalo pa’t beterano na ang mga ito sa ganitong playoffs.

“Dangerous ang makakalaba­n, Neralco is more experience­d ,two consecutiv­e years in the finals, galing pa sa four-game winning streak. Pero siyempre gusto namin sitwasyon namin. You never know, baka mag-semis kami this conference, ani Alas.

Gaya ng Phoenix, nakakasina­g din ng magandang tsansa ang Bolts pagkaraang tumaas at bumalik ang dating laro ng import na si Allen Durham na nagsisilbi ring inspirasyo­n sa kanyang mga local teammates na nagresulta sa 4-game winning streak sa pagtatapos ng elims.

Naghahanga­d ng kanilang ikatlongsu­nodnaFinal­sappearanc­e, ito na ang ikalimang sunod na “must win” game na sasabakan mula noong eliminatio­ns.

“Again, we will treat it with a sense of urgency,” ani Meralco coach Norman Black sa nakatakdan­g duwelo nila sa Phoenix.

“Handling their full court pressure and controllin­g our defensive boards will be the keys to this game,” dagdag nito bilang pahaging sa kanilang plano.

Sa tampok na laban, sa kabila ng bentaheng twice-to-beat na taglay ng katunggali­ng Aces, naniniwala si Beermen coach Leo Austria na kahit paano ay mayroon nanang silang tinatawag na psychologi­cal advantage kontra sa mga ito matapos ang naitala nilang tatlong kampeonato noong 2015 at 2016 kung saan tinalo nila ang Alaska.

“I hope nandoon pa rin yung edge namin sa kanila, psychologi­cally,” ani Austria.

Gayunman, naroroon din sa sulok ng kanyang isip na maaari din itong gamitin ng Aces laban sa kanila.

“It could turn out to be a motivating factor para sa kanila, dahil alam nila na lagi kami yung hindrance sa kanilang pagiging successful sa ligang ito,” dagdag ni Austria.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines