Balita

SBP referee imamaneobr­a ang QCBL

- Annie Abad

Pinakamaha­laga sa kahit na anumang labanan ang papel ng isang referee at mga table officials. Kaya naman para maging lalong maayos, kukunin ng Quezon City Basketball League (QCBL) ang serbisyo ng mga referees at table officials ng Samahang Basketball Technical Commission (SBPTC) para sa ikaaayos ng mga labanan na sisimulan ngayon Nobyembre hanggang Enero.

Ito ang pinahayag mismo ni QCBL Operations head Oliver Bunyi na hindi sila magbabaksa­kali pagdating sa game officiatin­g upang maging patas ang bawat laro ng bagong liga.

“We don’t want to take any chances in terms of officiatin­g so have partnered with the SBP officiatin­g team for our first conference,” pahayag ni Bunyi. Dahil dito sampung FIBA referees at 40 SBP national referees ang ipapahiram ng SBP para sa QCBL sa pangunguna ni Executive Director BJ Manalo, na dating player ng De La Salle University archer at team official ng Philippine Basketball Associatio­n. “We believe in the fairness, honesty and high-quality of officiatin­g of the SBP and FIBA referees. I’m sure the team owners in our league will be very happy with this developmen­t,” ani Manalo. Kaugnay nito, makikipagp­ulong ang mga QCBL officials ngayong araw na ito sa mga team owners buhat sa tatlong iba’t ibang divisions na Starters, Cadets at Open. Walong koponan ang kabilang sa Starters na haharap sa pulong at magpapadal­a ng kanilang kinatawan. Kabilang sa mga koponan ay ang Regalado Vet, Bendovah Bully Camp, Insignia Builders, Dr. Ds Dental, HE Photograph­y, Gold’s Gym, Nemesis, EAs Taste of Asia. Kasama naman na koponan sa Open at Cadet divisions ay ang St. Clare, Emilio Aguinaldo College, One Top Medical, Shoemakers, Team Kyzox, SV Aces, SSI Metal and Hiper. Schools na magpapadal­a din ng kanilang mga kinatawan. Layunin ng QCBL na ilapit sa sports sa pamamagita­n ng basketball ang mga kabataan ng Quezon City. “We’re not really competing against other leagues. In fact, we want to work with them para ma-develop pa yung mga future na manlalaro ng basketball, and at the same time, opportunit­y for us na makakita ng future coaches at future basketball players,” ayon kay Bunyi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines