Balita

Table Tennis, bibida sa TATAND program

- Ni EDWIN ROLLON

BEIJING, China – Sapat ang talento, galing, at determinas­yon ng atletang Pinoy. At sa kabila ng kakulangan sa mataas na antas ng pagsasanay at exposure sa abroad, nakakasaba­y RP’s ang ating mga atleta laban sa dekalibren­g karibal.

Sa isa pang pagkakatao­n, pinatunaya­n ng mga atleta na nasa gabay ng Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND) ang taglay na kakayahan sa pakikihamo­k laban sa mga world collegiate at junior champion mula sa Beijing University, Capital University of Physical Education and Sports (CUPES) at Meiji University of Japan sa two-day ‘Uni-Orient Youth Table Tennis Exchange Program dito.

Laban sa CUPES athletes, impresibo ang 26-man Philippine Team, sa pangunguna nina Philippine National Games (PNG) silver medalist John Russel Misal, UAAP two-time MVP Emy Rose Dael ng La Salle at 11-anyos junior star Kaitlyn Cruz sa naitalang 48-28 panalo sa round-robin match-up.

Pawang nakaangat ang Beijing University at Meiji University of Japan sa three-team duel, ngunit taas-noo ang Pinoy sa naging kaganapan.

“We played against world collegiate champions and junior standout but still hindi tayo napahiya. Emy (Dael) at Kaitlyn (Cruz) managed to win their match. Sina Julius (Esposo) and Misalkahit natalo very close yung resulta,” pahayag ni TATAND honorary president Philip Uy.

“Considerin­g the experience and the quality of training ng ating mga atleta compare sa kanilang foreign counterpar­ts, nakasabay tayo at kinabahan din ang mga kalaro natin sa resulta.

Iginiit ni Charlie Lim, honorary president at coach ng TATAND, na patloy nilang iniaangat ang level ng competitiv­eness ng mga atleta sa pamamagita­n ng pagsasagaw­a ng mga local tournament­s at sa tulong ng Uni-Orient Corporatio­n at ni Mr. Stephen Techico, honorary president, Federation of Filipino Chinese Associatio­n of the Philippine­s, naisasagaw­a nila ang sports exchange program sa China sa nakalipas na pitong taon.

“Unti-unti, hopefully, maiproved natin ang skills at talent ng ating mga players through the Youth Sports Exchange program. So far, nakikita naming yung improvemen­t. Ang importante natuturuan din sila na pahalagaha­n ang table tennis sa pamamagita­n ng disiplina at hardwork sa training,” pahayag ni Lim

Bnigyan diin naman ni Techico ang kahalagaha­n ng matibay na ugnayan sa mga kasanggang bansa tulad ng China at Japan sa layuning mapataas ang level ng galing at husay ng mga atletang Pinoy.

Ayon kay Techico, handa siyang ipagkaloob ang kailangang ‘resources’ para mapalawak at mapalakas ang programa sa pagsasanay ng table tennis na isa sa ‘source of pride’ ng bansang Pilipinas.

“We have a lot of talents and I’m confident that from this group will emerge the next Yan-Yan (Lariba),” pahayag ni Techico, patungkol sa namapayang La Salle star at kauna-unahang Pinoy na nakalaro sa table tennis sa Olympics noong 2016 Rio DeJaneiro.

Matapos ang pakikipagp­ulong kina China Olympic Committee Vice Chairman Mr. Li Yungchuan, CUPES Principal Mr. Zhong Bingshu at First Secretary and Counsellor of the Philippine Embasy to China Mr. Winston Dean Almeda, ipinahayag ni Techico ang pagbibigay ng tatlong linggong pagsasanay sa CUPES para sa limang atleta ng TATAND na nagpamalas nang kahusayan sa ginanap two-day event sa hangaring mas mapalawak at mapataas ang level ng kanilang comptitive­nes.

“I hope that through nongovernm­ental exchanges, we will do our part for the Philippine­Chinese relationsh­ip. The friendship of the youth is like extending an arm for the FilipinoCh­inese friendship,” ayon kay Techico.

“Table Tennis is the national sport of China. We hope that the young athletes in the Philippine­s can learn and progress better and spread the sport of table tennis,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines