Balita

Hitting Spree, hataw sa Cojuangco Cup

-

PINAKAIN ng alikabok ng Hitting Spree ang mga karibal kabilang ang pamosong Tin Drum sa pag-angkin ng five-length victory sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup nitong Linggo sa Saddle & Clubs Leisure Park Racetrack sa Naic, Cavite.

Nakabawi ang defending Cojuangco Jr. Cup, champion laban sa karibal para sa impresibon­g 400-meter na ratsadahan tungo sa panalo ng SC Stockfarm-owned five-year-old filly sakay si jockey Kelvin Abobo.

Nanatiling nakaantaba­y ang Hitting Spree sa unang yugto ng karera at kumuha ng tyempo para sa elite eight-horse cast at may layong 2000–meter.

Sa kalagitnaa­n, kumilos na ang Hitting Spree para makasabay sa Tin Drum at tuluyang nagratsada­han huling 400-meter tungo sa panalo

sa programa ng Philippine Racing Commission.

“Na-preserve ko lang ‘yung energy nu’ng kabayo (Hitting Spree) ko hanggang sa last 400 (meters), kahit medyo mabigat ‘yung kabayo ko, kondisyon na kondisyon naman,” pahayag ni Abobo.

“Si Tin Drum kasi ang pinakaunan­g tumalo kay Hitting Spree. Extra motivation sa amin ‘yun, kailangan namin sila bawian,” aniya.

Napagwagih­an ng Hitting Spree ang P1.2 million, habang ang runner-up si Drum na may premyong P450,000. Pangatlo na natapos ang Pangalusia­n Island (jockey JP Guce, owner Wilbert Tan) taking third spot and the P250,000 cash prize at Und Kantar (RO Niu Jr., Melanie Habla) landing fourth at P100,000 prize.

Nauna rito, nakontrol ng Emmanuel Santos-owned Pride of Laguna at jockey JD Juco para sa 2018 Philracom 3YO Open Challenge.

Samantala,ipinahayag ng Philracom ang paglarga ng malalaking karera tulad ng 3rd Legs of the Juvenile Fillies Stakes Race at Juvenile Colts Stakes Race sa Nov. 18, Grand Sprint Championsh­ip sa Dec. 2, sa Chairman’s Cup, Philtobo Racing Event at 2nd Leg ng 3YO Open Challenge Series sa Dec. 16,

 ??  ?? HATAW ang Hitting Spree para sa top prize ng P1.2M Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup.
HATAW ang Hitting Spree para sa top prize ng P1.2M Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines