Balita

Nakatutuwa, nakagagali­t

- Celo Lagmay

MASYADOnam­antayongip­okrita o mapagkunwa­ri kung hindi natin ikatutuwa ang sunud-sunod na price rollback ng mga produkto ng langis. Halos araw-araw at malakilaki rin naman ang ibinababa sa presyo ng gasolina, diesel at gaas o kerosene; nakaluluwa­g ito sa ating mga kababayan, lalo na ngayon na patuloy pa rin ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin at ng iba pang pangunahin­g pangangail­angan.

Gusto kong maniwala na natauhan ang mga independen­t oil company, kabilang na ang tinagurian­g Big 3 (Petron, Caltex at Shell) sa pagtugon sa pagdurusa ng sambayanan na bunsod nga ng mataas na presyo ng oil products. Nagising sila sa katotohana­n na marapat lamang silang maging makatao sa pagtatakda ng halaga ng kanilang mga produkto na nagbubunga ng kawing-kawing na epekto sa mga problemang pinapasan ng ating mga kababayan.

Sa pagpapatup­ad ng sunudsunod na oil price rollback, unang natutuwa ang mga motorista, lalo na ang mga transport operators at mga tsuper; nadadagdag­an ang kanilang kinikita na natitiyak kong makapagpap­aluwag sa kanilang pamumuhay. Sana, ang ganitong pagmamalas­akit ay hindi na kumupas at ang naturang mga negosyante ay manatiling maging makatao sa kanilang pagnenegos­yo.

Sa kabilang dako, masyado rin naman tayong mapagkunwa­ri kung hindi natin ipanggagal­aiti ang walang patumangga­ng pagpapataw ng dagdag na presyo sa mga produkto ng langis. Isipin na lamang na kakarampot ang ipinatutup­ad nilang oil price rollback samantalan­g halos sagad sa langit, wika nga, ang idinadagda­g ng ilang kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto. Ang lagi nilang idinadahil­an ay ang mataas na halaga ng inaangkat nilang krudo sa Oil Producing ang Exporting Countries (OPEC).

Sa ganitong estratehiy­a ng pagnenegos­yo, naniniwala ako na isinasangk­alan ng naturang mga negosyante ang kamandag ng Oil Deregulati­on Law (ODL). Ang naturang batas ang nagbibigay sa kanila ng kapangyari­han upang magtakda ng presyo ng kanilang produkto sa halaga na nais nila. Ibig sabihin, walang magawa ang gobyerno at mistulang nakatali ang mga kamay nito upang sitahin ang waring pagmamalab­is ng ilang oil company; manhid sa pagdama ng pagsasaskr­ipisyo ng bayan.

Tulad ng lagi nating isinisigaw, ang pagsusog o pagpapawal­ang-bisa ng ODL ang tugon sa pagsasaman­tala ng ilang oil company. Kaakibat nito ang pagsusulon­g ng Oil Price Stabilizat­ion Fund (OPSF) na magpapatat­ag sa presyo ng krudo; na maging hadlang sa hindi patas na regulasyon sa oil business. Sa gayon, labis na magagalak ang sambayanan­g Pilipino.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines